CHAPTER 31

33 1 0
                                    

---happy reading mga vievie---❤❤❤

Busy ang lahat ngayon. Nandito kami ngayon sa isang hotel. Nasa rooftop kami dahil ngayong araw na ito ang pa-despidida party ni ninong Leo.  Aalis na siya kasama ang buong family niya at mag-ma-migrate na sa Amsterdam. Nagpasalamat na ako kay ninong sa lahat ng itinulong niya sa aming lahat. Sabi niya,  tinapos niya lang daw yung mission niya sakin bago sya nagdecide na umalis na for good.  Nagpaalam na rin sya sa nanay ko at sa lahat ng mga kaibigan ko. Sina jade,  Mae, pm, Nicole, Brianna, calvin,  si kian din at trishia andito, si diana lang ang absent.

Ang nanay ko naman,   ayun! Kahapon nung na-discharge ako sa ospital at nung makauwi ako sa bahay,  hindi ko alam kung anong naramdaman ko hahah. Maabutan mo ba naman mama mo na may kasamang gwapong lalaki eh. Mga nasa 40 na pero parang Ian Veneracion lang.  Alam niyo na kung ano ibig kong sabihin? May bago ng love life ang nanay ko. Nagulat ako syempre pero mas masaya ako dahil mapapanatag na ko na hindi tatandang mag-isa ang nanay ko. May makakatuwang na sya sa buhay.  Anyway, Anselmo Dominguez ang pangalan ng boyfriend ni  nanay hahaha teacher sya and napaka-professional. Magaling mamili nanay ko. Like mother, like daughter talaga! Mga tirador ng teacher amp HAHAHA char.

Anyway, speaking of teachers, kahapon nang makauwi din ako galing ospital,  buong araw magkakasama kami ng mga kaibigan ko sa bahay para gawin lahat lahat ng mga ipapasang requirements namin sa school. Nalalapit na rin kasi  yung pagbabalik ng klase haha sina sir Patrick, sir Carlo at  sir Marquez, ayun patuloy pa rin sa panliligaw.  Ramdam kong malapit ng magkabalikan sila nicole,  sir patrick,  pm at sir Carlo. Halata naman kase na mahal na mahal pa rin nila ang mga isat isa. Si sir Marquez, habang tumatagal yung panliligaw niya,  mas lalo kong narerealize na si Sir Primo talaga ang mahal ko.  Na hindi porket sya ang nauna,  sya na rin ang pipiliin ko. Dahil hindi man si Sir primo ang nauna,  si sir primo pa rin ang pipiliin ko,  hanggang sa huli.

" uy Claire! Tulala ka dyan? Gaga tara!  Let's partyyyyy " masayang pag aaya sakin ni  Pm habang tumatalon-talon pa at may hawak na Champagne.

Nginitian ko lang si Pm at sinenyasan ko na mamaya na ko makikiparty dahil tinutunaw ko pa yung mga kinain ko.  Nakakaloka baka magka-appendix ako ng wala sa oras eh hahaha

Nilingon ko ang buong paligid.  Lahat ng mga kaibigan ko nasa gitna, kanya-kanyang hawak ng beer at champagne. Samantalang ang nanay ko, si tito anselmo and ninong Leo naman ay nasa mini stool bar at masayang nakikwentuhan. Ako naman, nasa gilid lang ako ngayon nakaupo sa maliit at komportableng couch at ineenjoy ang malamig na simoy ng  hangin at ang napakagandang view ng city lights.  Tanaw na tanaw ko sa pwesto ko ang kagandahahan ng syudad. Ang nagtataasang buildings, bridges, mga sasakyan, lahat kita. Hinahayaan ko lang na tangayin ng hangin ang mga buhok na dumadampi sa pisnge ko.  Sandali akong pumikit.

Inhale...exhale...inhale...exhale... ginawa ko yan habang nakapikit ako dahil talagang ang sarap sa pakiramdam and napaka-relaxing. Parang tinatangay ng hangin lahat ng problema ko.  Mas masaya siguro kung andito si sir Primo. Fuck namimiss ko sya. Si primo kase mahilig sa city lights. Parang ako lang hahah.

Hanggang ngayon nakapikit pa rin ako. Pinapakinggan ko lang ang paligid at patuloy lang ako sa pag  inhale at exhale. Grabe ang sarap ng ganto.

" Claire! Claire! Ohmygod halika dito dali dali Dali!!!"   Nagulat ako at nagising ang buong Diwa ko dahil sa biglaang pag-sulpot ni Jade sa likuran ko. Mas lalo akong nagulat at nagtaka nang bigla niya kong hilahin papunta sa pwesto nila ninong Leo.

" wait wait wait what's happening ba jade? Parang nagpapanic ka? "   kinakabahan kong tanong habang naglalakad pa rin kami at hila hila niya pa rin ako.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon