CHAPTER 29

30 1 0
                                    

---happy reading mga vievie ko--- ❤❤❤

1 pm, century park.

Andito na ko sa park kung saan magkikita kami ni ma'am cass at ng iba pang mga teachers pati yung fake mistress ni primo. Ngayon ko sasabihin sakanila na alam ko na lahat lahat   at pati na rin ang mga plano ko  ay sasabihin ko na rin sakanila.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil mamimeet ko si marga. Or should I call her ate marga? Mas matanda sya saken ng 5 years dahil kaedad niya si primo at iba pang teachers. Sign of respect na din. Kakambal pa rin yun ng teacher  ko.

Andito ako sa Starbucks. Yep pinili ko  talagang pumunta sa park na may starbucks. Why? Palagi kase nila akong tinatanong na " Claire, do you like coffee? " and you know what's my answer? 

' I don't drink coffee unless it's Starbucks ' 

Panis mga slapsoil HAHAHA joke lang.  So ayon na nga,  kanina pa ko nakaorder ng saken habang iniintay yung mga kameet up ko. Antatagal. Filipino time masyado hayst.

Sa sobrang bored ko,  kinuha ko muna ang phone ko para  magselfie.  Duhh.  Para ano pa? Imamyday ko lang hehe.

Agad kong pinindot ang camera at nag picture muna ng mga ilang shots. Maya maya lamang ay naaninag ko na sa malayuan sina ma'am cass,  ma'am Abby, ma'am faith at...yung margarette.

Pinakalma ko  muna ang sarili  ko dahil biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko si margarette kahit alam kong fake lang yung pagiging kabet niya.  Nakakakulo pa rin ng dugo kasi syempre nakalaplapan niya si primo eh. Dapat ako lang!  Hmmp!!!

Ilang sandali pa ay nasa table ko na sila ngayon kaya naman agad akong tumayo para makipag beso-beso sakanila, pati kay margarette. Matapos kong makipagbeso sakanila ay isa isa ko silang pinaupo. Magkakaharap kaming lima ngayon. Medyo awkward din. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. 

" ahm...order na po muna kayo ma'am " nakangiting sabi ko kay ma'am cass.

Nakita ko namang  tipid na ngumiti saken si ma'am Cass bago sya kumuha ng menu at sabay sabay silang namili ng mga orders nila. Habang namimili sila, palihim kong sinusulyapan si margarette. Mukhang  naiilang sya  dahil halos Hindi sya gumagalaw. Ibang-iba sa margarette na nakita kong kalaplapan at  kapatong ni primo sa spa. Parang napaka-desenteng babae niya ngayon  dahil sa spa, naka two piece lang sya pero ngayon nakadress sya. As in matinong dress talaga. 

In fairness, masyado niyang ginalingan sa actingan HAHAHAH talagang napaniwala ako.  Nagkakatinginan kami ni margarette pero pag nahuhuli ko syang nakatingin saken ay agad niyang iniiwas ang tingin niya.  Hmmm, nagiguilty siguro hahaha.

" naka-order na kame, Claire. Habang naghihintay ng orders, pwede naba namin malaman kung para saan itong unexpected meeting natin? "   curious na tanong saken ni ma'am abby.

" hmmm. Hindi na po ako"---- Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol iyon ni ma'am faith  ---" don't use 'po' and 'opo' na Claire. Wala tayo sa school. Don't be shy haha"--- kaya naman nginitian ko si ma'am faith at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

" Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko na ang lahat-lahat. "  seryosong sabi ko na nakapagpakunot ng mga noo nila. Lalo na si margarette.

" alam ko na si Dianne ang mastermind, na  obsessed sya kay primo. Alam ko yung  pam-ba-block mail ni dianne kila sir Patrick at sir carlo na hiwalayan din sina pm at nicole. Alam ko rin na fake lang yung pambababae ni primo. "--- sandali akong tumingin kay margarette bago itinuloy ang sasabihin ko ---" alam ko rin na kakambal ka ni ma'am Cassandra, margarette." Dahil dun ay Nanlaki ang mga mata nila.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon