---Happy reading mga Vievie ko---❤❤❤
I knew everything from the very beginning
Yan ang mga salitang hindi ko maialis sa isip ko mula kahapon. At ngayon, narito kaming lahat sa principal's office. Walang ibang teachers and staffs. Ang tanging nandito lang ay si Mrs. Del fuerro, sir primo, sir Carlo, sir Patrick, ma'am Cassandra, ma'am Abby, ma'am faith, sir Marquez, at kaming magtotropa including diana.
Sound proof ang principal's office at tinted din ang bintana kaya safe kaming lahat dito. Mula kaninang umaga pagpasok namin, lahat kami kinakabahan na. Wala akong idea sa mangyayari.
Ngayon, 12 pm na. Sabay sabay kaming nag-punta ng mga kaibigan ko dito sa principal's office. Pag-dating namin dito, andito na silang lahat. Nasa swivel chair nakaupo si Mrs. Del Fuerro habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa desk niya. Ang mga teachers naman ay nasa couch na mahaba sa right side, at kaming mga estudyante naman ay nasa mahabang couch sa right side.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may magaganap ngayong araw na ito. Namamawis na yung kamay ko kahit naka aircon dito. Kanina pa ko pasimpleng nag-i-inhale exhale para lang kumalma pero it's not working talaga...
" Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Claire, alam ko ang lahat. " sumimsim muna ng kape si Mrs. Del fuerro bago niya ituloy ang sasabihin nya
" anak ko si diana, na mas kilala niyo bilang Dianne. Anak ko rin si danica. Ang kakambal ni diana, at alam ko rin lahat ng mga maling gawain ng anak ko. Alam ko ang lihim na relasyon niyong magkakaibigan kila Carlo, Patrick at primo. Alam ko rin na kasabwat niyo sina Abby, faith at Cassandra, pati ang kakambal ni Cassandra na si margarette. Alam ko rin na pinaimbestigahan mo ang anak ko, Claire. Kaya alam kong kilala niyo na akong lahat. "
Derechong sabi ni Mrs. Del fuerro na nakapagpatahimik saming lahat. Bakas sa mukha nila sir Patrick, sir Carlo at sir primo na kinabahan sila. Maski sina ma'am Abby, ma'am faith at ma'am Cass namutla na rin.
" let me explain kung bakit hinayaan kong mangyari ang lahat ng iyon. Alam niyo lahat na may sakit sa utak si Danica. And noong nakalaya sya, akala ko magaling na sya. Pinabantayan ko sya sa tauhan ko kaya nalaman ko ang mga plano nya. Bilang isang ina, naging makasarili ako. I only want the best for my daughter kaya hinayaan ko syang gawin ang gusto niya dahil akala ko magigising sya at matatauhan sya na mali yung mga ginagawa niya. Akala ko sa kalagitnaan ng mga maling gawain niya ay May matututunan sya. Pero lahat ng akala ko, mali pala."
Tumayo si Mrs. Del fuerro at may kinuhang envelope na puro papel. Walang may alam samin kung ano ang mga yun. Habang kinakalkal ni Mrs. Del fuerro ang lahat, biglang nagsalita si sir primo.
" Claire, alam mo lahat? Paano? Kailan pa? " tanong niya habang nakakunot ang mga kilay niya.
Yumuko ako " matagal na. Noong gabing nagkahiwalay tayo pinuntahan kita sainyo at doon ko nalaman lahat. Noong pumunta akong tagaytay kinausap ko ang ninong ko at pinaimbestigahan ko ang pagkatao ni diana at don ko nalaman ang lahat. " saka ako tumingin ulit sakanya
" bat hindi mo sinabi saken Claire? Sana nagtulungan tayo. " malungkot na sabi ni sir primo.
" ayokong may makaalam. Gusto kong isipin ng lahat na nagtagumpay na si danica sa mga plano niya. Ito na rin siguro ang tamang pagkakataon para tuldukan lahat ng gulong ito. " seryosong Sabi ko habang derechong sinasalubong ang mga titig ni sir primo.
" that's enough. Ako ang tutuldok dahil ako ang principal at ako ang ina ni Danica. " sabi ni Mrs. Del fuerro. Agad nyang kinuha ang phone niya at may tinawagan. Nanatili kaming tahimik.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...