---happy reading mga vievie ko---❤
Monday, meaning finals na namin. Three days yun kaya Monday to Wednesday ang finals namin. Naayos na ang seating arrangement. Syempre pinaglayo-layo kami ng mga subject teachers kasi alam nilang matatalino kaming magtotropa hahaha. Hindi na rin naman kami nakaramdam ng kaba dahil nag-review kami haha
" good morning Humss-11-B, ready na kayo? " ay si sir carlo pala. So ibig sabihin siya ang bantay namin today? And subjects niya muna ang unang ite-take namin?
" good morning din po sir " kanya kanyang bati naming magkakaklase. Pag-upo ni sir carlo ay natahimik na kaming lahat.
Well, si sir carlo yung joker at puro kalokohan pag nasa labas ng room o pag wala sa school. Pero pag usapang exam, mahigpit sya kaya maski si pm na girlfriend niya takot din haha
" okay anong gusto niyong unahin? P.E or PHILOSOPHY?" Seryosong tanong ni sir carlo sa amin habang nag-aayos ng mga test papers.
Agad ko namang nilingon ang mga tropa ko at natawa ako nang nakatingin na rin pala sila sakin. Binigyan ko naman sila ng ' bakit -ako-ang-tinatanong-niyo-' look. At Palihim kaming nagtawanan
Sa huli, si jade na lang ang nag-suggest total top 1 sya mukhang susundin sya ni sir Carlo at pabor din naman yung mga kaklase namin sa gusto ni jade.
" sir, P.E na lang muna po. Majority na naman po ng klase eh haha " magalang na sabi ni jade. Agad naman syang tinignan ni sir carlo ng ilang segundo sabay tingin din sa mga kaklase ko at parang naninigurado na P.E nga ang gusto naming unahin
After ilang seconds, nagsalita na si sir.
" Miss. Cortez, anong gusto mong unahin? " mahinahong tanong ni sir carlo kay PM. si pm naman gulat na gulat pero nakita kong kinurot sya ni brianna ng mahina para ipaalalang 'teacher mo sya ngayon, hindi boyfriend umayos ka ' HAHAHA
" anong dapat unahin? Ahm...i-ikaw? " nauutal na sabi ni pm. Sabay sabay naman kaming nagulat at tinignan ko si sir Carlo, halatang nagulat sya pero ngumiti lang sya at parang okay Lang sakanya yung ginawa ni pm!
Myghad mahaharot kayo juskooo
Nakita ko namang biglang tumawa si pm. Awkward laugh. Haynako ka Princess May Cortez...
" ahm haha joke lang po sir HAHAHA charot lang. Kayo naman guys di mabiro "---- huminga muna ng malalim si pm bago nagsalita ---" P.E tayo sir. Yun po yung unahin naten. " nakangiting sabi ni pm kay sir carlo.
Nakita ko namang nagkatitigan pa sila pero titig lang walang ngiti. Pero alam naming magtotropa na kahit naka poker face pa sila habang magkatitigan, alam naming kinikilig silang dalawa.
Tangina asan na ba si primo ko? Namimiss ko syaaaa.
" okay, class. Kung anong gusto ni miss. Cortez, yun ang masusunod " seryosong sabi ni sir carlo sabay talikod at lakad pabalik sa table niya. Pero nakita ko na ngumiti si sir carlo!
Anak ng santong kabayo kayo my god sanaol malalakas loob magharutan HAHAHA
At ayun na nga. P.E ang test namin.
*****
Lunch break na ngayon. At ngayon lang namin napansin na mula kaninang first period pa ay hindi pala nagpapansinan sina calvin at Brianna. Mag-kaaway ata.
Nasa canteen kami now. Magkakasama kaming mag-totropa. Si Nicole, nag-ti-tiktok. Dancer naman pala haha. Si pm, may ka-text. For sure si sir carlo haha. Si Brianna at Calvin, magkatabi nga sila pero parang hindi sila magkasama ganern. Sana naman magbati na sila. Nasanay akong always silang naghaharutan eh. Si jade naman, may hawak na note book at ball pen. Ah, for sure nagsusulat sya ng story. I think inspired kasi kaya ganyan hahaha. Si Mae, medyo bumabalik na yung sigla niya. Kumakain sya ngayon pero ramdam ko pa rin na hindi pa sya totally okay. Dito lang naman kami pag ready na sya mag kwento... si Dianne at ako ang magkatabi. Kumakain kami ngayon at masasabi kong sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Para na kaming magkapatid haha. Pero until now hindi pa rin nya alam yung sa amin ni primo. It's not that I don't trust her, it's just that I'm not ready pa.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
JugendliteraturClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...