CHAPTER 19

34 1 0
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤

6:30 pm, climax.

Andito pa ko sa bahay. Nasa sofa na ko at hinihintay na lang si Calvin dahil nag insist sya na susunduin niya ko. Kaya habang nasa sofa ako, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

Naka black spaghetti dress ako na fitted. Naka lugay ako pero kinulot ko yung hair ko. I'm not really good in describing hahaha. Sa madaling salita, ang sexy ko.

" nak, okay naman kayo ni primo diba? " nagaalalang tanong ni mama kaya medyo parang naiiyak na naman ako.

Agad akong humarap kay mama at niyakap sya.

" opo ma. Magiging okay din po kame. "

sabi ko at pinipigilan na umiyak dahil bukod sa ayokong makita niya na nagkakaganto ako, ayoko ring masira yung make up ko.

" nag-aalala ako dahil alam kong hindi kayo okay pero may tiwala ako sa inyo ni primo. May tiwala ako sa pagmamahal niyo para sa isat-isa. Wag niyong hayaang masira kayo dahil lang sa maliit na bagay "

Nakangting sabi saken ni mama bago sya tumalikod at umakyat sa taas. Naiwan akong nakatayo at nakatulala dahil sobrang tinamaan ako sa mga sinabe ni mama.

Maya maya lang ay nag vibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha ang wallet ko at phone ko para sagutin ang tawag.

[ hello? Cal? San kana? Kanina pa ko naka ready. ]

[ sorry Claire. Naflat yung gulong ng kotse ko. Hindi na kita masusundo. ]

Hala. So paano? Magcocommute ako na ganito ako kasexy?

[ Wait, okay. So mag-cocommute ako? ] kinakabahang tanong ko kay Calvin.

[ no. I already sent someone para sunduin ka. Please don't be mad, I think you're safe with him. ]

Him? So lalaki? Wtf impossible naman na si primo. Sino?

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Calvin

[ talk to you later Claire. Ayusin ko lang 'to. Text me pag nasa climax na kayo okay?. ]

[ O-okay. Bye.]

Agad kong inend ang call at dahan-dahang naglakad palabas ng bahay. Hirap pakong maglakad ng mabilis dahil 5 Inches ba naman yung heels ko. Pagdating ko sa gate, nagulat ako nang May biglang kotseng bumusina at pumarada sa harap ko.

Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at agad na lumabas si sir Marquez. Well, gwapo niya ngayon. Pero mas gwapo pa rin boyfriend ko.

Pinanood ko lang sya na maglakad papalapit saken. At nung malalapit na sya saken, nakita kong tinignan niya ko from head to toe.

Sa dami ng pwedeng sumundo saken, bakit naman ex ko pa? Napakagaling talaga Calvin.

" w-wow. As always, you look so damn Gorgeous, claire."

Nakangiting sabi ni sir Marquez. Sa dame ng taong pwedeng sumundo saken.

" kalma, ako lang 'to tssk."

Mataray na sabi ko sabay lakad papunta sa back seat. Papasok na sana ako kaso nagsalita sya bigla.

" claire. Nakalimutan mo na? " nagtatakang tanong niya. Kaya naman ako, napatingin sakanya at binigyan ko sya ng 'what-are-you-talking-about-look'.

" itong kotseng 'to, ito yung kotse ko nung tayo pa. Don't tell me nakalimutan mo? Hahah "

natatawang sabi Niya kaya naman tinignan ko ang kotse nya. Sa hindi malamang kadahilanan, napangiti ako.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon