CHAPTER 25.1

30 1 0
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤

-chapter 25 continuation po ito-💜

---enjoy reading y'all---💚

Nang mabura ko na lahat ng videos at pictures namin ni primo, agad ko pang tinignan ang ibang albums at baka May natira pa.

Hindi ako nagkamali, may isang video pa. Buburahin ko na sana kaso may narealize ako.

Ito yung video na ginawa ni primo na saka kolang daw panoorin kapag sobrang miss na miss ko na sya. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumandal sa headboard ng kama at nagsuot ng headphone.

Okay...here we go..play na.

' hi love...kung pinapanood mo 'to, malamang miss na miss mo na ko haha. Kaya ito, kapag namimiss mo ko, just watch this video okay love?

May song ako para sayo, sa favorite student ko, sa favorite person ko, for you my love, my queen and my life...this song is for you...'

Tanginaaaaaaaa yawa! Lalo akong umiyak. Hagulgol na halos. Lalo akong nadudurog...sana palagi na lang umpisa. Para palagi din akong mahal na mahal...

' 105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do...

And you know one of these days, when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough'

Iyak lang ako ng iyak habang pinapanood ko si primo sa video na seryosong nag sastrum ng gitara at damang dama ang pagkanta. Bakit naman favorite song ko pa?

' I'll say, "Will you marry me?"
I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?" '

P-putang....shit, a-ang sakit sakit... hindi na a-ako..yung t-tatanungin niya...ng..w-will you fucking marry m-me...

' okay na, kinanta ko na favorite song mo love ah, ngayon, pakinggan mo naman yung mga sasabihin ko. I need you to believe , listen and to trust in me... '

Nakakabadtrip kase pakiramdam ko kinakausap niya talaga ako eh video lang naman to...

' love, mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko magagawang lokohin ka. Pag nagawa ko man yun, may malalim na dahilan ako kung bat nagawa ko yun. Pero damn. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa iba, love. Sayo lang talaga. Sayo lang ako kakalampag diba? '

Tangina ang sarap ipakain sakanya 'tong video na 'to. Hindi daw magagawa pero sarap na sarap sila maglaplapan nung babae niya.

' love, kung darating ang araw na mapagod ka, magsawa ka, at pag di mo na ko mahal, tandaan mo. Palagi akong nakabantay sayo. Mamahalin pa rin kita kahit ako na lang ang nakakaalam...

Mahal na mahal kita. Sana kahit anong mangyare, magkasakitan man tayo, sana mangibabaw yung pagmamahal na meron tayo para sa isat-isa kesa sa sakit na maari nating maibigay sa isat isa.'

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon