CHAPTER 28

24 1 0
                                    

~~~happy reading mga vievie ko---❤

Kahapon ay  ang araw na pinaka nakakastress sa lahat. Kaya today, andito sina pm at nicole para tumambay. Hindi makakarating ibang tropa kasi May mga inaasikaso rin eh.  Kaya ngayon,  kaming tatlo lang dito sa garden. Si pm, nagdidilig ng mga halaman ni mama, si Nicole, nagwawalis, ako naman nasa duyan lang,  Tulala.

Sino bang hindi matutulala pag alam mong yung boyfriend mo may anacondang umaali-aligid.

Ay sorry. ' ex-boyfriend ' na pala. Awts pain pighati.

" tapos na ko mag-walis. Pero hindi pa ko tapos mahalin si sir Patrick. Huhuhuhu namimiss ko na syaaaa"  pagmamaktol ni Nicole habang  binabato ang mga dahon.  Wawalisin niya rin naman kaya ok lang magkalat sya. Hays.

" tapos na ko mag-dilig. Kelan kaya ako madidiligan ulit ni sir carlo?  Waaaa namimiss ko na mukbang sessions namin ni baby carlito ko. "  pagmamaktol din ni pm with fake iyak iyak pa.

Tangina mo,  dianne.  Sorry sa word pero deserve niya.

" guys, kalmahan naten. What if i-istalk na lang muna naten sila? Or mag-back read tayo ng mga convo naten, or mag-check ulit ng mga pictures and videos sa gallery . Or pakinggan naten ulit mga vm nila saten. Para mabawasan pagkamiss naten sakanila. " nakangiting suggestion ko kila pm and nics.

" eh! Ayoko nga HAHAHA puro ungol lang yung mga vm ni bebe patrick saken eh. " natatawang sabi ni nicole na ikinatawa namin ni pm.

" omyghad I agree. Si baby carlito   naman puro picture ng junjun niya yung nasa gallery ko. Kaya nga lahat ng albums ko may password diba HAHAHAH"   natatawang singit din ni pm.

Ang kakalat talaga nitong mga 'to. Buti si primo mabait at sweet. Hehe

Mukhang tumalab naman dahil nakita ko na lang na sabay silang kumuha ng phone at ayun na nga. Maya maya lang umiiyak na silang dalawa. Ako naman ngayon ang nababaliw kakaisip pano aawatin silang dalawa. Jusko  sarap magpalamon sa lupa huhuness.

Nanahimik kaming tatlo nang magsimula kaming magstalk. Hindi ko intention  na umiyak pero reading our old conversations, ang sakit. Nakakamiss potek. Parang may bumubulong saken na tawagan si primo. Pero hindi ko ginawa. Syempre may mission pa ko. Hindi ako pwede magkamali this time.

Ganun naman ang love. Love is full of surprises. Love is sacrificing.  True love can wait....

Nasa stalking session kami nila Nicole at pm nang biglang may nag door bell kaya nag presinta ako na ako nalang ang titingin kung sino. Kaya naman agad akong naglakad papunta sa gate and tinignan kung sino.

" sino ho sila? " magalang na tanong ko.

" ang galang mo namang bata ka hahaha ako to si kian. I'm with Trisha. Pwede kami pumasok?"  Nakangiting sabi ni kian.

Agad kong masiglang binuksan ang gate at nakangiting sinalubong sila at pinapasok. Dinala ko sila sa garden. Mabuti nalinisan na ni Nicole kaya komportable tambayan. Pag dating sa garden ay binati ni kian sina pm at nicole. 

" nice to meet you , trishia hahaha ang ganda mo " nakangiting  komento ni pm.

" oo nga eh. Ang Ganda mo trishia.  Question lang,  pano ka nauto ni kian?  Ginamitan ka ba ng gayuma?HAHAHA"  mapagbirong sabi naman ni Nicole kaya pabiro  rin siyang binatukan ni kian.

" hahaha I love kian,  girls. Walang gayu-gayuma. Tinamaan talaga ako "  nahihiyang sabi ni Trisha. Agad namang kinilig si kian kaya napuno ng asaran ang garden.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon