---Happy reading mga vievie ko---💙💙💙
* PRESENT TIME, JUNE 30, 2026 *
Sobrang lakas ng ulan ngayon dahil kapapasok lang ng bagyo. Tatlong oras ng walang tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan at natitiyak kong bahang-baha na sa labas. Kaya naman namomroblema ako kung pano ang mga estudyante ko nito uuwi.
" ma'am claire yun na yonnnn? Andayaaaaa ituloy mo po maaammm nabibitin po kameeee " pagpapacute na sabi saken ng isa sa mga estudyante ko.
" hahaha tama na yun. Yun na yon class, yun na yung love story namin nung teacher na naging crush ko. " sagot ko habang nagtatanggal ng manila paper sa white board.
" Pero maam hindi niyo naman po kinwento kung nagkatuluyan ba kayo or may anak na po ba kayo, ang last na kinwento nyo is yung binigyan kayo ng promise ring eh huhu" pagmamaktol ng isa kopang estudyante.
Natawa naman ako habang umiiling-iling at tinutupi ng pa-square ang manila papers na pinagsulatan ng mga notes.
" bukas na ko magkikwento. Dalawang linggo na kong nagkikwento sainyo hahaha di ba kayo nagsasawa? " natatawang tanong ko.
" Okay okay ganto na lang po maam claire...bukas mo na po kami kwentuhan about sa ending ng love story nyo ni sir primo mo...kwentuhan niyo na lang po kame about sa mga kaibigan nyo. Nasaan na po sila ngayon? "
Curious at seryosong tanong ni Pauline, student ko rin. Napangiti ako dahil doon.
" masyado na kayong maraming gustong malaman hahaha magligpit na kayo ng mga gamit nyo para makauwi na tayong lahat. "
seryosong sabi ko kaya naman walang nagawa ang mga students ko kundi ang magligpit ng mga gamit nila ng nakasimangot na akala mo pimagbagsakan ng langit at lupa HAHAHAH
Nagpapatay na ko ng aircon ng room nang biglang mag ring ang phone ko. May natawag mula sa messenger kaso Audio Call lang hindi video call.
Pasimple naman akong umupo sa upuan ko at kinuha ko ang phone ko at ginamitan ko ng earphone para di na marinig ng mga chismosa at curious kong mga estudyante.
[ Hi Ms.Claire...nasa AU kapa ba? ]
Omg. Si Mae pala HAHAHAHA
[ Sup, Teacher Mae? Hahaha oo nasa AU pa ako. Pero tapos na klase ko. Pauwi na ko inaantay ko lang sundo ko] nakangiting sagot ko.
[ kamusta naman dyan sa Italy? Mahirap ba magturo dyan? Baka naman turuan mo lang kung pano uminom yang mga estudyante mo dyan sa italya ha HAHAHA] mapagbirong sabi ko kay Mae.
[ hindi naman mahirap magturo dito mare. Mga tagay na tagay din kase mga estudyante ko dito sa italya eh HAHAHAH char. ]
Yep....teacher na rin si Mae kagaya ko. And 7 years na sila ng boyfriend nyang si Ren...strong talaga sila noh? Kailan kaya sila ikakasal? HAHAHAH
[ Kelan ba uwi mo dito sa philippines? Sa pasko ulit? Namimiss na kita kawalwalan mare HAHAHAH] natatawang sabi ko. Narinig ko namang tumawa si Mae mula sa kabilang linya.
[ sabay na kame ni Jade uuwi ng pinas. Sa August hahah pero one month lang kame dyan. ] sabi ni Mae.
Sa loob ng 7 years na nasa japan si jade at nasa italy si mae, araw araw kameng nagvivideocall kaya parang araw araw lang din kaming magkakasama. Every year din sila nauwi dito eh. Tuwing pasko at newyear. Ang tagal na ng mga friendship namin. Matik,hanggang senior citizen na 'to.
[ oh sige na sis. Gogora na ko hahaha may date pa kame ni Ren. Balitaan mo na lang ako ha...labyu muah muah chup chup HAHAHA] masayang pagpapaalam ni Mae.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...