CHAPTER 14

32 1 2
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤❤❤

October 15 na . Last day na nga pala ng intrams. Friday na today puro awarding na lang ang ganap. Anyway, nung isang araw pa, alam na ng lahat ng tropa na May boyfriend na nga si jade haha

Sobrang saya actually. Kaso si mae, mukhang hindi. Don't get me wrong, masaya si mae for jade hahaha pero hindi masaya si mae sa love life nya. I mean wala syang boyfriend pero may big revelation daw na nangyare kahapon kaya ngayon sobrang tamlay ni mae.

Hindi na namin sya pinilit na magkwento kung anong nangyare. Hihintayin namin kung kailan sya magiging ready na mag-kwento

About samin ni Kian, tuloy pa rin ang pagpapanggap. Parang sila primo at ma'am cass, sir Carlo at ma'am faith, ma'am Abby at sir Patrick, lahat patuloy lang sa pagpapanggap haha

Si sir Marquez, matagal na sana syang hindi nangungulit na makipagbalikan. Buti naman at mukhang gumana yung fake relationship namin ni kian haha

Si kian naman, never na nagtanong ulit about kay Dianne. Mukhang hindi naman nya crush haha mali pala ako ng akala hehe inamin din kase nya sakin na May ka-LDR sya haha

Anyway balak ko sana ipakilala si dianne kay primo nung isang araw pero sa sobrang busy ni primo hindi iyon natuloy.

Kaya today ko na maipapakilala si Dianne kay primo haha bilang bago kong kaibigan. Wala akong balak sabihin kay Dianne ang relationship namin ni primo. Sabi ni kian wag ko raw ipaalam. Ewan ko kung bakit pero mukhang seryoso si kian kaya susundin ko yun. Ipapakilala ko si primo kay Dianne bilang adviser namin at teacher namin sa general mathematics. Ang alam ni Dianne ay boyfriend ko si kian.

Wala kasing time si primo para sumaglit man lang sa room dahil busy talaga sya. Kaya nga si ma'am Cassandra muna ang nagbabantay samin today eh.

Nandito kami ni Dianne ngayon sa mini park sa likod ng school. Kaming dalawa lang haha inaantay namin na dumating si primo.

Wala ng tao, at walang cctv this time dahil sira. Kaya sinamantala ko na dito ipakilala si dianne kay primo

Maya maya lang ay nakita ko na si primo na naglalakad. Hindi pa iyon nakita ni Dianne dahil nakatalikod sya at tahimik lang na pinapanood ang mga dumadaang sasakyan.

Sinenyasan ko si primo na wag maingay para surprise hahaha nang makalapit na sya sa likod ni dianne ay saka ako nagsalita

" Dianne, andito na yung adviser naten haha " natatawang sabi ko

Agad namang napatayo si Dianne sa gulat at nang kumalma na sya ay hinawi niya ang buhok Nya dahil natatakpan non ang mukha nya. Nang magkatinginan sila ni primo ay hindi ko alam kung bakit naestatwa si primo. As in natulala sya at hindi sya makagalaw.

Parang gulat na gulat sya at naguguluhan. Anong nangyayare? Kakalabitin ko na sana si primo nang biglang magsalita si Dianne

" nice to meet you, sir montalvo hehe " nakangiting sabi ni Dianne habang derechong nakatitig kay primo

On the other hand, hindi pa rin nag-rerespond si primo. Ano bang nangyayare?

" sir primo HAHAH uy, ano na? " natatawang sabi ko kay primo sabay tapik ng mahina sa balikat nya. Noong ginawa ko yun ay don lang nagising ang diwa ni primo at agad syang umayos ng tayo.

" so...transferee ka? Miss Dianne? " kung kanina ay parang mannequin si primo, bigla naman syang naging cold at seryoso.

" o-opo sir. Nung Monday pa po ako nakalipat dito sa AU. " nahihiyang sabi ni Dianne habang nakayuko

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon