---happy reading mga vievie ko---❤
Buwan ng wika. Nasa school na ko ngayon. Napakaaga kong pumasok dahil May general rehearsal pa kame para sa sayaw namin mamaya. Nandito pa kami sa room ng HUMSS-11A. lahat busy sa pag rerehearse. Kanina pag dating ko sa gate, halos lahat nakasuot na ng makalumang kasuotan. Ang gaganda. Mga binibini at mga ginoo. Ako kase nasa paper bag pa yung makalumang kasuotan ko. Mamaya kopa isusuot pag sasayaw na kami. And yung paper bag na gamit ko ngayon, is yung paper bag na pinaglagyan ni sir montalvo kahapon ng skirt ko.
Pag uwi ko kahapon sinukat ko yung skirt, kasyang kasya saken. Alam niyo yung feeling na parang pinagawa talaga para sakin hahaha. Hindi pa rin ako maka move-on sa sinabi ni sir
You're the first woman that I brought here.
paulit-ulit yang nag-eecho sa isip ko simula pa kahapon. Kinwento ko rin sa gc namin yun eh. Syempre mga kilig na kilig sila. Tinanong pa nga ako ni pm kung May boom boom daw bang naganap HAHAH jusko.
Nandito ako sa May pinaka likod na part ng room. Wala kaseng mapipwestuhan sa harap kase yun ang nagsisilbing stage namin para pag-praktisan. Maya-maya lang dumating na sina Brianna at Nicole. Nagulat ako nung bigla nila akong yakapin sabay May binulong sila.
" happy birthday Claire... "
" happy birthday mamiiii "
Natouch ako hahaha hindi pala nila nakalimutan. Wala kase talagang nag banggit ng birthday ko simula kahapon pa lang.
" salamattt hahaha akala ko nakalimutan niyo "
" gaga ka hindi ah HAHAHA. " natatawang Sabi ni brianna habang inilalapag ang mga dala nyang gamit.
" hoy ghurl make-upan moko mamaya ha, di ako marunong. Kailangan maganda ako sa paningin ni Patrick ko HAHAHA" sabi ni Nicole habang nagsusuklay. Bagong ligo kase hahaha ganyan talaga sya minsan. Pumapasok ng hindi nagsusuklay.
" sureness akong bahala HAHAH sisiguraduhin kong maglalaway sayo si sir patrick" sabi naman ni Brianna habang inaayos ang mga upuan.
Lumipas ang mga oras at 10:30 am na. Pinagbihis na kame ni sir Joshua. Yung mga costumes and props pinababa na rin. Yung mga guard nagsimula ng mag-ikot para i-lock ang pintuan ng bawat room. Bawal daw kasing tumambay ang mga estudyante. Kailangan nasa baba lahat nag-paparticipate.
Nakabihis na kami nila Brianna. Nasa may bandang hallway kami, malapit sa cr dahil doon kami nagbihis. Grabe, sobrang feel na feel ko yung damit ko ngayon. Pakiramdam ko, nasa year 1892 or 18th century ako. Hayst bakit ba kase nagbago ang lahat? Pangarap ko kayang mabuhay sa 18th century. Sobrang pure and innocent lang ng lahat. Gusto kong maligawan sa makalumang paraan. Yung haharapin yung mga magulang ko, yung haharanahin ako, yung papadalhan ako ng mga bulaklak at yung susulatan ako ng mga liham. Sana today May tumawag man lang sakin ng ' binibini' para talagang kumpleto na araw ko.
Dumating na rin sina Pm, jade at Mae. Mga naka suot din ng makalumang kasuotan. Napangiti ako. Bagay na bagay pala talaga sa amin.
" magandang umaga mga binibini, kung maaari lamang ay wag kayong pakalat -kalat sa daanan, kung tapos na kayo mag-bihis, mag-punta na lang kayo sa mga pila niyo mga binibini"
Derederecho at magalang na Sabi ni sir Carlo . Yung teacher na crush na crush ni pm. Kaya nung tinignan ko si pm ayun sobrang pulang pula na ng mukha nya. Yung pamaypay na hawak nya, halos mabali na dahil hinahampas niya sa braso ni brianna.
" Claire narinig mo yun?!! Binibini dawwwww. Awit sana araw araw buwan ng wika para napapansin din ako ni sir carlo my labs huhuhu"
Nagtawanan naman kami dahil don. Naninibago tuloy ako. Hindi ako sanay na required pala gumamit ng purong tagalog pag buwan ng wika HAHAH natatouch ako.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Fiksi RemajaClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...