---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
~AFTER ONE MONTH~
December na. December 24, 2019 to be exact. Andito ako ngayon sa bahay nila primo. Andito sina tita Mildred at tito Juancho, parents ni primo at andito rin sina mama clarissa at tito anselmo. Inimbitahan kase kami ng parents ni primo na dito na mag-celebrate ng pasko at dito na rin mag-noche buena.
Tanghali pa lang. Kakatapos lang namin maglunch at ngayon, nasa kwarto ako ni primo kasama sya. Habang ang mga parents naman namin ay nasa garden at nagkikwentuhan.
" Merry Christmas, love " nakangiting bati saken ni primo habang nakahiga kami ngayon sa kama niya at magkayakap.
" Merry Christmas din love. I love you so much " bati ko rin kay primo sabay halik sa pisngi niya.
" masaya akong kasama kitang sasalubungin ang pasko at bagong taon Claire." Malambing na sabi ni primo habang hinahaplos ang buhok ko.
Nakangiti akong tumingin kay primo. Magkatitigan kami ngayon at parehong nakangiti sa isat-isa.
" primo, tandaan mo. Taon lang ang magbabago. Pero ang pagmamahal ko sayo, hinding-hindi. " seryosong sabi ko. Nakita ko namang napangiti at kinilig sya dun kaya natawa ako
Hahaha ang cute pala kiligin ng mga lalaki? Hindi na sya nakabawi eh HAHAHA ang pula na ng pisngi, ilong, tenga at leeg niya HAHAHAH
" anyway love. Nakausap mo na ba sina pm at Nicole? San daw sila nag-pasko? " curious na tanong ni primo
" hmmm. Sina pm at Nicole? Ayun. Nag-text sakin kahapon. Doon daw sila magpapasko sa bahay ng mga boyfriend nila, kasama mga parents nila at parents ng boyfriend nila hahah " masayang kwento ko kay primo.
" you mean...parang tayo? Hahaha " tanong ni primo.
" yep love. Si pm at ang parents ni pm ay dun magpapasko sa bahay ni sir carlo kasama ang parents ni sir carlo. Si Nicole din ganon haha parang tayo lang nga hahaha " kinikilig na kwento ko sabay kiss sa noo ni primo.
Ang saya talaga ka-cuddle ng boyfriend ko...
Anyway, tapos na ang finals namin ng third quarter. Sa January 5 pa ang balik ng klase namin at pagbalik namin sa school, matik review agad and lectures para sa upcoming finals namin sa fourth quarter by last week of February.
" love? Kumusta na si ma'am cassandra? Si ma'am faith ? Si ma'am Abby? Wala ba silang updates sayo? More than one month na sila don sa bago nilang school na pinagtuturuan ah. Any chika? Hahaha " pangungulit ko kay primo.
Napangiti naman si primo habang natatawa. Aba yang tawang yan parang maraming nilalaman yan ah HAHAHA
" okay ganto hahaha let's talk about Abby first. " natatawang sabi ni primo. Tumango lang ako at hinintay na magsalita sya.
" May boyfriend na si Abby. Co-teacher niya rin sa school na pinagtatrabahuan niya. "
OMGGGGGG! masaya ako para kay ma'am abbyyyyy...
" Next, si faith. Nakakagulat 'to love haha. May nakilalang foreigner si faith. Isang Architect and hindi sila dumaan sa bf and gf stage. Na-love at first sight kay faith yung foreigner at after one week na lumalabas sila, nag propose na agad yung foreigner haha. And now, they're engaged na. Amazing right ? " natatawang kwento ni primo.
" seryoso? HAHAHA awit love bat di ko alam yaaannnn " natatawang sabi ko. Dahil natuwa ako sa mga updates ni primo ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag-indian sit sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Dla nastolatkówClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...