CHAPTER 32

36 2 0
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤❤❤








November 4, 2019
At Arellano University Apolinario Mabini Campus









" grabe. Kamiss din pala itong AU noh?  Kamiss tumambay sa canteen HAHAHA"  

" I agree. Nakakamiss din yung canteen na may aircon. Don ako palaging nagbabasa ng manga kasi tahimik eh."  

" nakakamiss din yung pag wala tayong teacher nagpupunta tayo sa library para magkwentuhan. Ginawang tambayan yung library eh HAHA"

" gagi nakakamiss din yung  flag ceremony tapos si Claire yung pinaka nasa unahan kasi sya yung pinakamaliit HAHAHA "

" nakakamiss din yung  wala tayong teacher kaya ilalock naten yung pinto sa room tapos isisirado yung kurtina sa bintana tapos papatayin lahat ng ilaw tapos---"

" tapos magugulat ka may mga tulog na, nasa upuan pa nga nakahiga eh. "

" tapos yung iba, nagpipicture tapos flash pa yung gamit para raw mas maganda yung effects HAHAHA"

" gagi solid din yung iba naggigitara, nagjajamming. Nakakamiss "

" pero mas solid yung pag lights off na, mga kaklase nating lalaki nagkukumpulan sa likod tapos nanonood ng viral HAHAHA tangina muntik pa maguidance eh "

Blablabla ang ingay ng mga kaibigan ko haha. Oo, nasa school na ulit kami ngayon. Naka-complete uniform, kase resume of classes na.  Tapos na ang sembreak. Back to reality na naman.

Back to reality na naman na araw araw ko na makikita si primo. Araw araw ko na naman makakausap pero hindi pa muna gaya ng dati. Kasi Hindi pa naman kami nagkakabalikan.  Noong natulog kami sa iisang room noong padespidida ni ninong Leo, wala namang nangyari. Hindi kami nagtabi. Hindi kami naguusap. Wala talaga para lang kaming hangin sa isat-isa.  Ang sakit nga kase  tinawagan sya ni danica eh.  Yawa ' babe'  pa nga ang tawagan nila.

Hindi alam ni primo na alam ko na ang lahat. Actually sina sir carlo sir patrick at sya na lang ang walang alam  na alam na naming lahat ang totoo. Malinaw na mahal pa namin ni sir ang isat -isa. Pero nakatali pa sya kay Danica. At hindi alam ni primo na alam ko ang lahat. Maski sina sir Carlo at sir Patrick walang alam.

Anyway, nasa room na  kami ngayon. Inaantay na dumating lahat ng teachers namin  dahil isa isa nilang kukunin ang mga pinapagawa nilang requirements noong sembreak namin.  Nakakamiss din pala kaingayan ng mga abnormal kong kaklase.

" GUYS! ANDYAN NA MGA TEACHERS NATEN! " 

Dali dali naman kaming umayos ng upo at wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto,  at pumasok ang mga teachers namin.  Present Si sir primo, adviser namin and teacher namin sa creative writing at  sa Genmath. Si ma'am Julia, teacher namin sa oral communication, si ma'am faith, teacher namin sa politics, si sir dexter, teacher namin sa earth and life science, si sir Carlo, teacher namin sa PE at philosophy, si sir Patrick, teacher namen sa Filipino, si sir joshua, teacher namin sa PerDev. At si maam cassandra, co-adviser ni sir primo.

isa isa silang umupo sa kanya kanya nilang upuan at magkakatabi sila sa isang mahabang desk sa harap. First row muna ang pinatayo at pinahilera para maglakad papunta sa harap at isa isang ilalapag sa table ng mga teachers ang mga projects at requirements. Buti third row pa  kami HAHAHA

After ilang minutes, third row na. Kami naman ang magpapasa. Ang buong third row ay puro ako at mga tropa kolang ang nakaupo.  Ako,  si Jade,  si Mae,  si pm, si Nicole, si Brianna, si Calvin, at si diana.  Isa isa kaming tumayo sa mga upuan namin at tahimik na pumila at naglakad papunta sa harapan. Parang meet and greet ang eksena. Yung nakapila kaming mga fans at magkakasunod sunod na pupunta sa table ng mga bias namin. Kaso meet and greet: ex-lovers edition pala ito HAHAHAHA

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon