---happy reading mga vievie ko---❤
Second day na ng finals namin today. Si ma'am faith ang bantay namin, yung fake girlfriend ni sir carlo at politics ang first period namin. maaga akong umalis sa bahay nila primo kanina. Nag-commute lang ako dahil ayoko ng gisingin pa si primo dahil sobrang himbing na ng tulog nya.
Nag-paalam naman na ako kila tita Mildred at tito Juancho eh. Nakakatuwa lang na parang Anak din ang turing nila sakin hahah. Mas naging close ko nga sila this time eh.
kanina ko pa hinihintay ang text ni primo kung nagising na ba sya, kumain na ba sya, nakaligo na ba o nakaalis na. Kaso until now wala pa. Nakakapagtaka lang haha.
" gurl sinong bantay natin today?" Tanong ni Mae habang nagsusuklay. Nilingon ko naman sya bago ako sumagot. " si ma'am faith haha sya subject teacher naten sa politics eh " nakangiting sagot ko.
" nagreview ka sis? Hahaha " natatawang tanong ni Mae at this time nag-labas na sya ng liptint at naglagay sa labi nya. Bumuntong hininga naman ako. " hindi ako nag-review haha madali lang naman mag pa-test si ma'am faith eh " sagot ko.
" psst! Claire! " nagulat naman ako kung sino yung sumisitsit kaya lumingon lingon ako para mahanap kung sino yun.
" huy hahah gaga mami andito ako " ay shet si Brianna lang naman pala hahaha nasa ilalim sya ng desk namin ni Mae at hindi man lang namin naramdaman na andon pala sya. Awit anong ginagawa nya dyan?
Yumuko ako para tignan si Brianna na nakayuko ngayon dahil masyado syang matangkad at mababa lang ang desk namin.
" bakla anong ginagawa mo dyan? Hahaha para kang magnanakaw gurl " natatawang bulong ko
" gusto ko lang ng May makakausap mi. " bigla syang sumeryoso. I think it's about Calvin. Kaya naman huminga muna ako ng malalim.
" hindi pa rin ba kayo okay? Ano bang pinag-awayan niyo sis? " concern na tanong ko kay Brianna.
" nag-inuman kasi sila nung mga tropa niya nung sunday. Ayun nalaman ko na May babae Don. Wala namang ginawang mali si Calvin eh. Hindi naman sya nag-cheat. Ang kinakagalit ko lang naman, yung babae mismo yung humarot kay Calvin, yung gurl mismo ang unang nag initiate ng halik. Good thing mi na Hindi pinatulan ni Calvin. Isa pa, pinaka-nasaktan ako nung nalaman kong dineny niya na May jowa sya. Hindi nga sya humarot pabalik pero dineny naman nya na meron syang ako."
Derecerechong kwento ni Brianna. Nakasimangot na sya ngayon at alam kong any moment iiyak na sya. Kaya naman hinagod ko ang likod nya para kahit papaano naman eh gumaan gaan yung pakiramdam nya.
" sakit lang sa part na yun mi kasi pinaka-ayoko yung tinatanggi o kinakahiya ako. Di ko alam kung anong rason niya sa pag-dedeny sa relasyon namin pero nasaktan talaga ako. Bakit? Porket bakla ako? Dahil ba hindi ako tunay na babae kaya ako tinatanggi ng ganun lang kadali? "
Owshit...mabigat nga...umiiyak na sya! Omg paano ko sya icocomfort?
" ahm, ganto na lang...mami if I were you mag-usap kayo ni cal...I'm sure na lahat nadadaan sa matinong usapan. Communication is the key mamii" mahinahon at seryoso kong sabi.
" ang swerte mo mami, bukod sa tunay kang babae, eh mahal na mahal ka ni sir primo. Halatang di ka itatanggi." Nakangiting bulong niya.
Natahimik ako. Paano nga kung sakaling mangyari na itanggi ako ni primo one day? Ngayon kasi maiintindihan ko pa kasi nga secret on lang kami. Pero halimbawa graduate na ko at wala na kaming tinatago, paano pag itinanggi niya ako? Masakit yun gagi.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...