---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
" good morning class." Bati samin ni sir Marquez habang derederechong naglakad papunta sa table niya.
" good morning, sir marquez" sabay sabay naming bati kay sir Marquez.
Ngayon ang unang araw niya samin bilang science teacher. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin ng slight si primo kay Marquez haha eh si Marquez nga parang limot niya na talaga ako eh.
Hindi naman ako nagrereklamo kung sakaling nakalimutan niya na nga ako. Pero syempre mapapatanong ka sa sarili mo na ' possible palang makalimutan mo yung taong naging parte na ng nakaraan mo? ' kase bakit ako? Hindi ko naman sya nakalimutan ah. Siguro sobrang dami lang talagang babaeng kano syang nakakilala kaya nakalimot sya hahaha
" say present if you're here " tipid na sabi ni sir Marquez kaya nanahimik kaming lahat at hinintay na banggitin ang mga apelyido namin
" Martinez?"
" present po, sir " sagot ni Brianna.
" Del valle?"
" present po, sir Marquez " sagot naman ni calvin habang kaholding hands si brianna.
Awit stay strong huhuness...
" Lustre? "
" present sir, call me Nadine na lang po para Madali lang hehe " mapagbirong sabi ni Mae habang nagsusuklay
Pero di sya pinansin ni sir Marquez. Hayst. Suplado pa rin pala sya. Dati pa naman syang ganyan haha
" Gonzalez? "
" always present po, sir " nakangiting sagot ni jade habang behave lang na nakaupo
Top one namin yannn haha
" Suarez? "
" present po! " malakas na sagot ni Nicole dahil medyo nasa fourth row sya at baka hindi sya marinig ni sir
" Cortez? "
" present po, at your service sir haha " masayang sagot ni pm habang nag-seselfie.
Pansin ko lang, habang nag-checheck ng attendance si sir Marquez, hindi sya tumitingin. Nakikinig lang sya kung present ba. Hayst apaka sungit mo pa rin Daniel.
Bat ang tagal naman ng apelyido ko? Naiinip nako. Actually lahat ng kaklase ko natawag na. Kanina pa ko sinesenyasan ng mga kaibigan ko na ' bat di pa ko nababanggit'.
Malay ko. Impossible naman na wala ako sa listahan nya. Sampung segundo na ang lumipas pero di pa rin ako nababanggit. Hanggang sa magsalita si sir Marquez.
" may nakalimutan pa ba ako? " tanong ni sir Marquez at this time saka na sya tumingin sa mga kaklase ko
Oh my gosh why naman ako nakalimutan?
" ahm sir Marquez, ako po, nakalimutan nyo ko "
Kabadong sabi ko habang nakatingin sa kanya ng derecho
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Ficção AdolescenteClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...