---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
7 am. at St. Cassaville Hospital
" is she awake? "
" ano? Bakit daw sya nahimatay? "
" anong sabi ng doctor?"
" kelan daw sya magigising ?"
kung kani-kaninong boses ang naririnig ko. Hindi pa ako makadilat dahil medyo masakit pa ang ulo ko.Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil hinang-hina pa ako. Kaya wala akong magawa kundi manatiling nakapikit at pakinggan ang mga naguusap. Masasabi kong nasa ospital ako dahil ramdam ko ang oxygen na nakakabit saken.
" kahapon, papunta na ko sa bahay nila Claire. Nakakotse ako at ipapark ko na sana kaso nakita ko si claire na nimilipit sa sakit kaya bumaba ako ng kotse at binuhat ko sya saktong nawalan sya ng malay. Kaya dinerecho ko sya sa ER. Buti naasikaso agad. May trangkaso si Claire at sabi ng doctor kailangan complete bed rest muna sya at iwas sa stress. "
Oh...so si ninong Leo pala yung bumuhat saken at nagdala saken sa hospital. Pero bakit naman sya papunta samin kahapon? Hindi kaya....
" papunta ako kila Claire kahapon dahil tapos na ang investigation. Alam ko na kung sino si dianne arevalo, at kung sino ang totoong kalaban niyo "
Totoong kalaban? Ibig sabihin...hindi si dianne ang mastermind? Paano? Naguguluhan ako.
Gustong gusto kong dumilat at magsalita kaya gamit ang buong lakas na natitira sa katawan ko, iginalaw ko ang mga daliri ko. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago may makapansin na gumalaw ako
" gising na si Claire!!" That's Calvin.
Naramdaman kong pinalibutan nila ako at ramdam ko ang mga kamay na hinahawakan ako sa kamay ko, braso ko, pisnge ko. At dahil doon, dahan-dahan akong dumilat.
Nakita ko andito lahat ng tropa ko. Maliban kay Dianne.
" n-ninong...salamat p-po " mahinang bulong ko. Nginitian lang ako ni ninong.
" Claire, sina sir carlo at sir patrick naiwan sainyo sila na pinagbantay namin ng bahay. Si dianne naman, hahabol daw dito para alagaan ka haha yuck" natatawang sabi ni pm.
Agad kong hinawakan ang kamay ni ninong.
" ninong...please, tell me everything na kailangan ko malaman. Anong ibig sabihin niyo sa totoong kalaban namin? Hindi ba si Dianne ang mastermind?"
Desidido na ko. Kahit medyo masakit pag nagsasalita ako, kaya ko ang importante makuha ko ang mga sagot sa katanungan ko.
Kumuha ng upuan si ninong. Umupo sya doon at binigay saken ang isang litrato. Kahit gulong-gulo ako, kinuha ko ang litrato na parang luma na pero mukhang magaling si ninong naging malinaw ulit ang litrato kahit matagal na.
Tinitigan kong mabuti ang litrato. Isang masayang pamilya. May tatay, May nanay. At may tatlong magkakapatid na babae. Ang isa, masisiguro kong panganay. Pero laking gulat ko nang makita ang dalawang babae. Magkamukhang-magkamukha. Kamukha ni...Dianne!
" alondra del fuerro at dante del fuerro. Pangalan ng mag-asawa. Ang babaeng iyan, ang panganay. Si denisse del fuerro."
d-denisse del fuerro? Kung di ako nagkakamali, siya ang ex-girlfriend ni Primo!
" ang kambal na katabi ni Denisse, ay sina diana del fuerro at danica del fuerro. "
danica del fuerro ang pangalan ng kapatid ni denisse na pumatay sa kanya!
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...