---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
WARNING: wala lang, warning lang hehe😘👌👉👈
" goodbye, everyone. " mapait na ngiting pamamaalam ni ma'am abby
" goodbye, class. " sabi ni ma'am faith while waving her hand
" goodbye, HUMSS-11-B. Mamimiss namin kayo haha "
nakangiting paalam naman ni ma'am Cassandra pero bakas pa rin ang kalungkutan sa mga ngiti niya.
Kasalukuyang namamaalam sina ma'am faith, ma'am Abby at ma'am Cass ngayon sa amin. Tapos na sila magpaalam sa iba nilang students kaya kami naman. Ngayong araw na ito kase, aalis na silang tatlo at lilipat na sila sa bagong school kung saan sila nireffer ni Mrs. Del Fuerro. Naka-abang na rin sa gate ng school yung service nilang tatlo kasama ang assistant principal na si Sir Anton para ihatid sila.
Nagsimula na silang maglakad palabas ng room ngunit nang nasa tapat na sila ng pinto ay lumingon silang tatlo sakin at nginitian nila akong tatlo. Binigyan ko rin silang tatlo ng matatamis na ngiti bago sila tuluyang lumabas ng room.
Salamat sa lahat ng naitulong niyong tatlo sa amin nila pm at nicole...hindi namin kayo makakalimutan...
" okay class. Gusto ko namang ipakilala sa inyo yung tatlong bagong teachers na kapalit nila ma'am faith, ma'am Abby at ma'am Cassandra "
Anunsyo ni sir primo kaya sabay sabay kaming napalingon sa tatlong dalagang magkakasunod na naglakad papunta sa harap. Magkakahawig sila ang galing hahaha
Pagdating nila sa harap ay isa- isa silang nagpakilala.
" janine molino, kapalit ni ma'am faith. Good morning sa inyong lahat " pagbati ni ma'am janine sabay binigyan kami ng matamis na ngiti
Sunod naman yung babaeng katabi nya. " magandang umaga class. Jarmaine molino, kapalit ni ma'am Abby"
" good morning Humss-11-B, jasmine molino, kapalit ni ma'am Cassandra. Nice meeting you guys " masayang pagbati naman ni ma'am jasmine samin.
Kaya naman binati at winelcome din naming magkakaklase ang mga bago naming teachers. Matapos iyon ay nalipat naman ang attention namin nang makita namin si sir Marquez at may kasama itong binata.
" good morning Humss-11-B " seryosong bati ni sir Marquez na agad naman naming tinugon.
" good morning, sir Marquez "
Bago sya magsalita ay huminga muna sya ng malalim.
" So I think alam nyo na lahat that today is my last day here in AU...at mamaya rin ay aalis na ako dito. " panimula ni sir Marquez.
Nanatili lang tahimik ang mga kaklase ko dahil halatang maraming nalulungkot sa pag-alis ni sir Marquez.
" so class, kasama ko ang bagong teacher niyo ng earth and life science..."
Agad niyang inakbayan ang binatang kasama niya
" Everyone, Mr. Ethan Collins, tropa ko and classmate ko since junior high, Your new teacher. Isang licensed Teacher sa umaga at isang professional Psychologist sa gabi "
nakangiting pagpapakilala ni sir Marquez kay sir Edward.
Gwapo and binatang-binata si sir Ethan ha, in fairness.
" nice to meet you everyone. Don't worry,mamahalin at aalagaan ko kayo kagaya ng pagmamahal at pagaalaga sainyo ni sir Marquez. " nakangting sabi ni sir Ethan.
Hanggang sa tuluyan na ngang nagpaalam paalis si sir Marquez. Grabe. Napakaraming nangyari mula nung bumalik ang klase. At masaya ako. This is the start of the new beginning...
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Подростковая литератураClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...