---happy reading mga vievie ko---❤
Thursday. Last day na namin sa school today dahil bukas start na ng sem break. Kaya andito lahat ng teachers namin para ibilin lahat ng mga assignments, projects and requirements namin sa subjects nila at ipapasa pag balik ng klase. Hayst. Buti na lang hindi marame.
" yun lang naman. Mahaba ang oras niyo para gawin ang mga pinapagawa namin. Impossibleng wala kayong maipasa "
" madali na lang ang mga tasks niyo class. Hindi na kayo mahihirapan. "
" mismong pagbalik ng klase ko kokolektahin maliwanag HUMSS 11 B? "
" opoo "
pagtapos non ay isa isa ng umalis ang mga teachers namin. Maliban kay primo. Sa ngayon, tinitignan ko na sya pero galit pa ren ako. At nasasaktan kasi...hanggang ngayon, wala pa rin syang text. Walang updates, wala as in.
Para siyang walang girlfriend ah.
" ako, wala akong ipapagawa sainyo sa tatlong subjects na hawak ko. Ang gusto ko, mag pahinga kayo. Mag spend ng time sa family at friends niyo. Ayoko na dumagdag sa mga gawain niyo. Pero pagbalik ng klase, be prepared. Dahil ako naman. "
Derederechong sabi ni sir primo. Hindi man lang niya ko tinignan kahit isang segundo lang.
" sem break na ito, gusto kong mag nilay-nilay kayo. Bigyan niyo ng oras ang sarili niyo. Isipin niyo yung mga desisyon niyo sa buhay."
Ako ba pinaparinggan niya?
"Gusto kong huminga kayo sa lahat ng mga pinoproblema niyo"
"And...kung may problema kayo, ichat niyo lang ako "
Chinat kita pero seen lang ang inabot ko sayong bwiset ka.
Para hindi ako mabadtrip, yumuko nalang ako at nagcellphone nang biglang nag text si Dianne.
~ hey...you okay? I'm sorry huhu...😔
~Dianne, it's fine haha wala kang kasalanan.
~basta Claire ha, andito lang ako 😔
Napangiti naman ako sa text ni Dianne. Kaya naman nang I off ko ang phone ko ay nilingon ko si Dianne at nakangiti na sya saken kaya nginitian ko sya.
Alam niya na lahat. Sinabi ko na kay Dianne ang relasyon namin ni primo.
*flasback*
*Kahapon sa bahay nila Dianne.*
" Dianne, mag usap tayo "
" i-importante ba yan? Hahaha mukhang seryoso ka. Tara, sa kwarto hehe "
Agad kaming pumasok ni Dianne sa kwarto niya. In fairness mayaman sila. Nakakahiya ngang gumalaw galaw dahil baka makabasag ako wala akong pambayad hahaha
Pagpasok namin sa kwarto ay lumingon lingon ako. Ang ganda. Pang sosyal talaga sana all hahaha
" gusto mo ba ng ahm, juice? Wine? Kahit ano claire hehe " nakangiting sabi ni Dianne. Nginitian kolang sya " I'm fine Dianne. And kung di ka busy, pwede na ba tayong mag-usap? " seryosong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...