---happy reading mga vievie ko---❤
Okay. Anong date na ba ngayon? October 26, 2019.
Kung ang jamill merong " panibagong araw, panibagong katarantaduhan na naman ", ako, May sarili akong version.
Panibagong araw, panibagong sama ng loob na naman.
Sobrang sakit pa ng ulo ko. May hang over ako. Pero 10 am pa lang. Tulog pa silang lahat. Maaga akong gumising. Nagpa-alarm talaga ako dahil today, aalis ako. Kaninang 7 am ako nagising at nag-impake.
Hindi ako mag-iibang bansa ha, aalis lang ako. 2 days akong mawawala. October 28 pa ang balik ko sa manila. Alam na 'to ni mama. Nagpaalam nako kaninang umaga. Pumayag naman sya dahil may tiwala sya saken at alam niyang alam ko ang ginagawa ko.
Kailangan ko rin ng panibagong view at environment. Pupunta akong tagaytay. Sa rest house ng papa ko. Bago kase sila maghiwalay ng mama ko, binigay na ni papa sa amin yung rest house. Never na pumupunta doon si mama. Ako ang palaging pumupunta don kapag bakasyon. Let's just say na, may tao akong kailangang makita.
Yung Van ni kian ang gagamitin ko. Kaninang umaga ko sya tinext at buti nalang di niya gagamitin kaya malaya kong magagamit yung van. Kung di ko pa nasasabe, marunong akong mag-drive.
paalis na ko ngayon. Baka mga 12 pm nasa tagaytay na ko. Kasalukuyan akong nag liligpit ng mga personal things ko nang biglang nag vibrate ang phone ko.
Si unknown number na naman.
Unknown number:
~ gusto ko lang sabihin na masaya ako sa lahat ng nangyari😊 great job, Ramos.
Tangina niya.
Hindi ko na pinansin ang text nung unknown at nag iwan ako ng letter para sa mga kaibigan ko at iniwan ko ito sa mesa kung san madaling makita. Ayoko na silang gisingin lalo pa mga lasing at puyat. Hindi ko na binanggit sa letter kung saan ako pupunta. Ayokong may nakakaalam.
Dala ko na ang gamit ko. Travel bag at back pack lang ang dala ko. 2 days lang naman yun. Hindi naman ako totally mag babakasyon. I have something important to do, on my own.
Agad kong tinawagan si kian. After 2 rings, sinagot niya na
[ ano Claire? Nakaalis kana?]
[ no pa. Where's the van naba? ] tanong ko kay kian sa call habang naglalakad palabas ng bahay
[ nasa labas na ng bahay niyo. Inaantay kana ng van haha ingatan mo yan ah, marame kaming dirty memories ni trishia dyan haha ]
Tssk baliw amp.
[ sige kian. Bye, thanks ulit. Ikaw at mama kolang ang mga nakakaalam sa lakad ko. Hanggat maari ayokong may makaalam. ] seryoso kong sabi kay kian
[ sige noted Claire. Ingat, bye]
Then I ended the call. Agad kong sinirado ang gate, binuksan ang pinto ng van at inarrange ang mga bags ko. Matapos kong ayusin ang gamit ko, agad akong sumakay sa van at pinaandar ito. Bago ako umalis ay nakita ko si manang belen na kabubukas lang ng tindahan.
" manang! 2 days po akong mawawala. Pakibantayan naman ho ang bahay " nakangiti kong sabi habang kinakawayan sya
" oh sige Claire. Magiingat ka sa byahe. Pasalubong ko ah " nakangiting sagot naman ni manang belen bago ako tuluyang umalis.
Road trip na this!...yeahhhh
2:30 pm, at tagaytay. ( rest house )
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Genç KurguClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...