Chapter 33

35 0 0
                                    

Warning: Slight R-18 scene

After that family get together, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Tobi. Shit ano ba yan bakit naman Tobi ginugulo mo ako, karma ba ito sa pag-iwan ko sayo. Kasi tanggap ko na ang pagkakamali ko.




I started to apply for a veterinarian clinic on my own, yung dating may ari ng clinic kasi naka-on call duty sa animal bite center ng pinaka malapit na local hospital. Need daw kasi nung local hospital ng permanent doctor kaya binenta na niya yung clinic.






I was checking my appointment for the day, Helga my secretary was rushing to my office. "Doktora may emergency yung isang client natin. May appointment daw siya mamayang 2pm kaya 8am na lang daw po siya pupunta". I just nodded, this day is starting to get busy. I need to fix my speech regarding a seminar for one of the annual veterinarian convention.


Ang dami kong kausap sa phone, I went out for awhile sabi ko kay Helga lalabas lang ako and I will also grab some breakfast today. "Helga, just call or text me if the client came okay. I'll be out for a while".




I grabbed some coffee and a chocolate doughnut on the way to the clinic, mabuti na lang at malapit lang ang Starbucks dito. Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong may text message si Helga, sabi yung client nasa clinic na. Nasa isip-isip ko, sino ba yung client na yun ang aga-aga naman mag change ng schedule.



Pag pasok ko sa clinic natulala ako ng wala sa oras. "It's him, he's here." yun lang ang unang pumasok sa isipan ko. I was speechless, nakita ako ni Helga na nakatulala. "Doktora, si Attorney Serrano. He can't make the 2pm schedule kaya ngayon po siya nagpunta." Napatango na lang ako kay Helga, Tobi was sitting there showing an awkward smile holding the cutest black pug ever.



"Attorney Serrano, sorry for the delay. Please bring your pup inside. Helga paki-assist na lang siya please mag ready lang ako." I was panicking anong gagawin ko, hindi pa ako handa na magkita kami ng ganito. I know to myself na may nararamdaman pa rin ako para sa kanya pero paano kung naka move-on na pala siya ng tuluyan. Sobrang masasaktan lang ako at ayoko ko ng maramdaman pa yon.




I get ready to check on his pup. Nandun siya caressing his pet, mabuti na lang din at umalis na si Helga. I acted professionally, hindi pwedeng magpaapekto ako sa kanya. "Attorney Serrano, how old is your pug? And anong nangyari sa kanya?" I examined the pup, it's dehydrated and weak.





"Actually doc, 3months old pa lang si Kopi. He was given to me by a friend para daw di ako malungkot. This week sobrang busy ko sa lawfirm, a friend of mine babysit him for 2 days then pagbalik sakin naging ganyan na siya." I see, he's now working at a lawfirm and currently staying here in Manila.



"Ano Dra? Okay lang ba siya. Kanina ka pa nakatulala dyan. Ako din kasi nagugulat na lang din sa nangyari, bigla bigla ka na lang aalis at dadating." Mas lalong kumabog yung dibdib ko nung sinabi niya yun. Gusto kong sabihin sa kanya lahat kung bakit ko yun nagawa.




"Ikaw din kasi eh bigla na lang dumadating, dapat pinagalitan mo yung nagbabysit sa aso mo. Kopi isn't eating well for the past few days kaya naging ganyan siya. Pinabayaan nung nag-aalaga."





Damn that was such a dramatic line, baka kung anong isipin pa niya at kung saan pa mapunta itong pinag-uusap namin. "Hindi ko naman intensyon na pabayaan siya, nagkataon lang kasi busy ako doktora. Nagpaalam naman ako ng maayos bago ko siya iwan".





Teka, yung aso pa ba ang pinag-uusapan pa namin. "Your dog needs hydration, mag reseta na lang ako ng mga gamot para sa kanya then bring him to me after a week Attorney. Huwag mo ng pababayaan please, your dog needs grooming as well."





Luck, Love & Lust (Wanderlust Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon