Kenji Ashkiel's POV
Learning and teaching yourself to be independent is not bad---it's actually required.
Tumayo bilang magulang sa murang edad ay hindi madali. Ako ang panganay sa apat na magkakapatid at sa akin naipasa ang madugong korona na ayokong saluhin no'ng una dahil akala ko hindi ko kaya. Ngunit ng makita ang sarili ko na inaasahan nila, nabigyan ako ng loob na tumayo sa sarili kong mga paa kasama ang mga kapatid ko.
Niña, Adie at Kaloy, sila nalang ang pamilyang mayroon ako.
Iniwan na kami ng mga magulang namin at hindi ko alam bakit sa dinami-raming tao, ako pa. Ako na walang ibang ginawa kundi ang pahalagahan sila, mahalin sila at ipagmalaki kahit mahirap lang kami.
Ako si Kenji Ashkiel Santino, 20 years old. Pinangarap na mahirap ngunit may mabuting puso.
Pinalaki kaming mabuti ng aming magulang. Tinuruan kaming makontento sa kung anong meron kami at maging masaya sa mga biyayang matatanggap.
Kaso nga lang, wala na sila.
"Kuya? Saan mo ba natagpuan si ate? Sure ka bang hindi masamang tao 'yan?" Nag-aalangang tanong ni Niña.
Kasalukuyan namin siyang pinagmamasdan habang nakahiga. Natagpuan nalang siya ni Niña na nakatumba sa loob ng banyo.
"Sa parke, nagpapaulan at umiiyak. Nakakaawa nga kaya't pasisilungin muna natin siya dito. Pwede ba?" She immediately nodded.
"Alam mo kuya, maganda siya no. Bagay kayo!" panunukso nito.
Nilapat ko ang paningin ko sa kaniya. Mula sa buhok, noo, mata, ilong, bibig at maging sa leeg upang pansinin ang pagkadilag nito.
Bakit kaya 'to naglayas sa kanila?
"Alam mo, kung bagay kami dapat 'di kami gumagalaw." Saad ko bago tumayo't inihanda ang mga pinggan ng sa gayon ay makakain siya pagkagising niya.
Marahil ay dahil sa gutom ito.
"Ba't naman?" Matalinong bata si Niña pero slow.
"Wala. Siguro'y gisingin na natin siya para makakain" Saad ko.
Nilapat ni Niña ang kanyang kamay sa leeg at noo ni----sino ba 'to?
"Kuya nabalitaan kong may bisi---omg! Siya ba 'yon? Siyaaaa ngaaaaa---anong nangyari?" masiglang tanong ni Adie pagkabukas ng pinto. Sa aming apat siya ang masayahin.
"Nahimatay..." sagot ni Niña.
"O-ow, kawawa. Teka, nilalagnat ata?" we nodded.
"Gisingin niyo na't maipakilala ko kayo sa kaniya." Saad ko habang hinahalo ang kape ko.
"Ate.." dahan-dahan nilang tawag.
"O-oum..."naaalimpungatan pa.
"Ate kumain ka na po..." saad ni Adie.
"Kuya.. ayaw magising e!" reklamo nila kaya't uminom muna ako ng kape bago lumapit.
"Ako na bahala dito, ikaw Niña at Adie, Kain muna bago assignments. Sabay nalang ni ate niyo." utos ko dito.
They grinned at me kaya binato ko sila ng pamaypay na hawak ko kanina pa.
"Pwede ba tumigil kayo? Ang babata niyo pa para sa ganiyan. Ang atupagin niyo---"
"pag-aaral niyo dahil balang araw magiging doctor kayo. Balang araw magiging maginhawa ang buhay niyo 'di katulad ngayon na naghihirap tayo. Mahirap ang buhay kaya't unahin niyo ang pag-aaral niyo." Sabay nilang dugtong.
YOU ARE READING
RPW: THAT PRINCESS IS MINE
FanfictionChoosing between two people whom you love isn't that easy. It's about choosing what's best and what's better. Chloedia isn't that normal lady. Her blood is royal and everyone vows on her. But still, her traits became the reason why people loves her...