Kenji's POV
Nasa labas pa rin ako ng clinic nakaupo, hanggang ngayon wala pa ring update kung anong nangyayari sa loob. Tumila ang malakas na ulan, pero 'yong damdamin ko, patuloy pa ring nasasaktan.
"Kamusta si Chloedia?" mula sa pagkakayuko ko, tuminghala ako kay Noah na nakatayo sa harap ko.
Marahan niyang hinawakan ang balikat pero pero tinabig ko ito saka nagsimulang bumuhos ang luha ko.
"Bro, alam kong nag-aalala ka kay Chloedia pero 'wag kang mag-alala, matapang 'yan kaya hindi 'yan mapapahamak." saad nito habang umuupo sa tabi ko. Hindi lang ako umimik at ng-iwas tingin. Bakit nagagalit ako sa kaniya? E wala naman siyang ginagawa kay Chloedia?
"Hindi." matipid kong sagot habang pinapahid ang mga luha ko.
"C'mon, tell me what's wrong." saad nito.
"Ayokong masira tayo. Noah..." 'di ko kayang sabihin, "Mahal mo ba siya?" Nag-iwas tingin ito at bahagyang tumatawa.
"Alam mo, Kung mangyari man 'yon, hindi ko pa rin hahayaan na makigulo pa ako sa inyo. I'm your friend, alam kong mahal mo siya, makikisawsaw pa ba ako? Syempre hindi. Kaya't hangga't nakikita kitang masaya, hindi ko kayo guguluhin." Hays, nagiging unfair ako. Gusto kong sabihin na mahal siya ni Chloedia pero natatakot ako, paano kami? Paano 'yong nararamdaman ko? Hangga't pwede pang ilaban si Chloedoa, gagawin ko.
"Paano kung..."
"Kung magbago man ang takbo ng buhay natin, 'wag mo akong kalimutan." Napaawang ang labi ko kasabay ng pagkunot ng noo ko, bakit biglang iniiba niya ang usapan?
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'm just saying, no matter what happen, ako 'yong taong malalapitan mo kahit anong oras o araw. At kapag mag-iba ang takbo ng orasan at ni tadhana, 'wag mong kalimutang minsan mo akong nakilala at isa ako sa mga taong naging totoo sayo." tinapik niya ang balikat ko kasama ang isang mapaklang ngiti bago malalim na huminga.
"Bakit mo 'to sinasabi?" pagtataka kong tanong.
"Kasi, ang buhay ng tao parang laro na kahit gusto mong ipanalo, hindi ka mananalo kung hindi para sayo ang laro. Lahat tayo may kaniya-kaniyang laro, pero lahat tayo may kalabang magiging lakas at magiging kahinaan. Kung mahina malaban mo, panalo ka. Kung malakas, talo ka." hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.
"H-ha?"
"People will come and leave, paulit-ulit na sabi nila. Yes, tama. They will come for experience, kung sa isang laro pa, parang lumapit sila sa atin para pagsanayan. They will leave, para magamit ang pagsasanay sa totoong laban nila. At tayong lahat, nagiging instrumento para maging sanay ang isang tao, at tayo rin, nagiging dahilan kung bakit nagsasanay ang isang 'di inaasahang tao na dadating and finally, you can call yours." Saad nito habang nakatingin sa kawalan.
"In short?"
"Ipanalo mo si Chloedia." Walang emosyon niyang tugon. Inalis ko ang tingin ko at humingang malalim.
Paano ko ilalaban ang taong, walang nararamdaman sa akin? HAHAHA. This will be quite challenging.
"Paano ko ilalaban kung wala naman siyang nararamdaman?" nagkatitigan lang kami ni Noah, bago ako tumango
"I-imposible... Magkasama kayo sa iisang bahay tapos wala manlang siyang nararamdamang kakaiba sa pagitan niyo?" I shook my head, chuckling.
"Hoy N-noah!" nagulat kami sa pagdating ni Cetine na lasing na lasing. Pagiwang-giwang na ito maglakad habang hawak-hawak ang isang bote ng alak at ang mga hills nito.
YOU ARE READING
RPW: THAT PRINCESS IS MINE
FanfictionChoosing between two people whom you love isn't that easy. It's about choosing what's best and what's better. Chloedia isn't that normal lady. Her blood is royal and everyone vows on her. But still, her traits became the reason why people loves her...