RPW: TPIM 7

134 10 1
                                    

Kenji's POV

Hindi ko  alam paano ko pasasalamatan si Chloedia dahil sa ginagawa niya para magkasama kaming magkakapatid.

Sa kabila ng pagsusungit ko'y nagagawa niya pa rin akong tulungan.

"Sister!" dali-dali akong tumakbo papunta sa kinarooonan nila.

"Kuyaaaa!" agad akong sinalubong ni Kaloy ng yakap.

"Yes Kenji?"

"Kukunin na po namin si Kaloy." agad tumakbo si Kaloy at kinuha ang mga gamit niya. Tinulungan naman siya ni Chloedia.

"Mabuti naman Kenji, para hindi ka na mahirapan kapag umalis na kami. Actually, paalis na sana kami."

"Kuya? Uuwi na po ba tayo?" tumango kami.

"Hindi makakaya ni kuya na mawalay ka sa 'kin, sa 'min." muling nagbabalik ang mga luha ko.

"Paano ba 'yan, una na kami?" paalam ni sister.

"Sige po sister, maraming salamat po sa pag-aalaga sa kapatid ko!" they all waved at Kaloy.

"Paalam,Kaloy!" sabay-sabay nilang paalam.

"Babye!" sagot ni Kaloy.

"Magiging masaya sina Niña at Adie dahil dito!" saad ni Chloedia. Hindi ko alam pero, bigla ko siyang niyakap dahil sa sobrang saya ko.

"Ku-kuya!" napatawa kami dahil sa pagtatakip ni Kaloy ng mata.

"Yakap lang e! Kaloy, siya pala si Ate Chloedia, sa bahay muna siya tumitira. Chloedia, si Kaloy, kapatid ko." lumuhod si Chloedia para kausapin si Kaloy.

"Hi Kaloy! Kinukwento ka na ng kuya mo sa akin at..." sumulyap siya akin, "alam kong mahal na mahal niya kayo!" Kaloy hugged her na ikinagulat niya.

"Salamat ate Chloedia!" sagot nito.

"So pa'no ba 'yan? uwi na tayo?" they both nodded saka kami naglakad palabas. Paniguradong matutuwa sina Niña dahil dito.

Agad kaming umuwi sa bahay.

Naunang pumasok sa bahay si Kaloy upang salubungin ang mga ate nya.

"Kaloooooy!" sigawan  nilang dalawa. Naiwan kami sa labas ni Chloedia. Himalang natahimik ang bibig nito.

"Chloe, salamat..." Daretsahan itong tumingin sa mata ko ng nakangiti.

Gusto kong magpakatotoo, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Hindi ko alam paano basta ang alam ko lang, iba ang nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Wa-walang anuman..." iniiwas niya bigla ang tingin so i slowly lifted her chin.

"Can you look at my eyes?" she swallowed, nodded.

[ 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗮𝗸𝗼 𝗯𝘆 𝗧𝗷 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲𝗿𝗱𝗲, 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 ]

𝐻𝑎𝑤𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑜,

Dahan-dahan kong hinawakan ang mga kamay niya at dahan-dahang tumingin sa mga mapupungay niyang mata.

𝑁𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑔𝑝𝑖𝑡,

Mas lalo kong diniinan ang kapit upang 'di siya makawala.

𝑃𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑘𝑜,

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya,
Alam kong 'di siya nakakagalaw at pinagmamsdan niya lang mga galaw ko.

𝑂ℎ, '𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑏𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑠𝑖𝑛?

RPW: THAT PRINCESS IS MINEWhere stories live. Discover now