Noah's POV
Nagising ako sa sinag ng araw kaya agad akong tumayo at binungad ang araw. Nag-inat-inat ako at humikab. Ang sarap ng gising ko ah? Hindi ko alam bakit.
"Goooood morning!" sigaw ng isang babae sa tabi ng kubo ko.
"Chloedia?!" nanlaki ang mata ko ng makita ko si Chleodia. She's yawning then she stopped as she saw me. Agad itong bumalik sa loob kaya agad akong pumunta sa kaniya.
Wow! This is unbelievable. Magkatabi kami ng kubo?
"Chloedia! Buksan mo 'to, mag-usap tayo!" I'm knocking her door but there's no answer from her.
"Chloe, kahit ngayon lang! Please?" saad ko.
"Noah pwede ba tigilan mo na ako. Please? Gusto ko lang ng peace of mind!" sigaw nito.
"Chloe, 'wag mo naman ako iwasan! May nagawa ba akong mali?"
"Wala! Just leave me alone. At 'di ba, sabi ko sayo, act like we're stranger! Na hindi mo ako kilala!" sigaw nito, kaya tumango nalang ako at bumalik sa kubo ko.
Nagtimpla ako ng kape at umupo sa labas. Hinihintay kong buksan niya ang pinto. Ilang minuto lang, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto niya at sinilip ako. Tumingin ako sa kaniya pero inalis ko rin.
"Good morning Bit--" nagulat si Angelo ng makita niya akong nakaupo sa labas ng kubo ko. He's biting his lips and waved at me, I chuckled.
"Good morning Fafa Noah!" bati nito bago ito nagpapasexy'ng pumasok sa loob.
Chloedia's POV
"Girrrrrl!? Magkatabi pala kayo ng kubo?! Omg! This is what we call, meant to be!" hindi ako mapakali. Bakit ba kasi magkatabi pa kami ng kubo?! What the hell! Ang daming vacant nn
a rooms but why here beside me?!"Alam mo, hindi ko na alam gagawin ko! Fuuuuuck!" I'm deeply breathing. Ano na gagawin ko?! For sure kapag lumabas ako sa lugar na kinatatayuan ko, anytime mangungulit 'yan.
"Hindi mo na maiiwasan ang tadhana. Noah is Noah, he's for you bitch!" saad nito habang kinukulikot ang kuko niya. Nakaupo lang ito samantalang ako pabalik-balik ng lakad.
"Gelaloy you know how much I'm trying to avoid him. Bawal kong ipakita na mahal ko siya! Kasi 'di ba... Bawal!" saad ko.
"You know what, ang sakit mo sa mata. Umupo ka nga! Ako nahihilo sayo e!" reklamo nito.
"Tapos sasabay pa 'tong si Cetine! Alam kong guguluhin niya ako dahil kagabi. Bakit ba kasi dito pa sila sa Isla pumunta?" I keep on rolling my eyes, thinking what to do. Hindi pwedeng habang buhay akong manatili sa loob ng silid na ito.
"If you can't beat them, join them!" napatigil ako sa tinuran niya.
"Tama! Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanila. E ano naman kung nagmamahalan sila?! Nabuhay naman akong maganda at diyosa dati pa kahit wala sila!" he's just nodding, clapping his hands slowly.
"That's my bitch!" saad nito. "Pero, maiwan muna kita at may gagawin pa ako, pumunta lang ako dito para tingnan kung buhay ka pa." saad nito habang tumatawa.
"E kung unahin kaya kitang patayin? Gusto mo?" I raised my eyebrows.
"Kung papatayin mo ako, wala ng magandang bakla sa mundo!" I rolled my eyes. Mas maganda pa ata sa akin ang baklang 'to.
Naglakad na siya palabas ng pinto pero biglang napasigaw, "AY KABAYONG NAGTUTWERK!" bago lumingon sa akin habang nakahawak sa dibdib niya.
Napakunot lang ang noo ko, "Sorry, nagulat din ako sayo!" saad ni Noah na naroon sa pinto.
YOU ARE READING
RPW: THAT PRINCESS IS MINE
FanfictionChoosing between two people whom you love isn't that easy. It's about choosing what's best and what's better. Chloedia isn't that normal lady. Her blood is royal and everyone vows on her. But still, her traits became the reason why people loves her...