Niña's POV
"What is the value of x in x² + 10x - 30?" Kasalukuyan kaming nag-aaral para sa darating na quiz. Yes, magkaklase na kaming tatlo. Hindi ko alam anong nakain nila kung bakit sila lumipat ng section. Wala rin naman akong magagawa kundi hayaan sila dahil nga 'royals' kung saan lahat ng utos ay nasusunod saan mang sulok ng mundo.
Nag-iwas tingin sila sa akin at nagkaniya-kaniyang kuha ng cellphone at 'di lang ako pinansin.
"Drop your phones!" utos ko na nagpatigil sa kanila.
"Buen, sagutin mo, sunod ako!" utos ni Neo. Anong akala nila sa question, bola? Para pagpasa-pasahan.
"Anong ako?! Bakit ako?!" inis na inis niyang tanong kay Neo na nanglilisik lang ang mga mata.
"Ayaw niyo sumagot?" I smiled, napakamot ulo lang si Buen.
"X has no value..." Neo laughed.
"Anong nakakatawa Neo?" Mapakla kong tanong sa kaniya.
"X simply means wrong! As in ekis. Ang bobo mo naman Buen, X lang 'di pa ala---bakit?" tanong nito nang mapansin niyang nakatingin lang kami sa kaniya ng walang emosyon.
"Guys, hindi ako nagbibiro. Pagkayo nazero sa quiz, friendship over." napakamot lang ulit sa batok nila.
"Buen, what's the value of x?" nagkatinginan lang sila ni Neo.
"Wa-wala. Baka si Neo, alam niya!" pagpasa niya kay Neo. Parang mga tanga! X lang 'yan e, napakadali.
"Buen, marami na akong problema, pati ba naman problema mo sa X na 'yan, ipapatong mo sa 'kin?" He's rolling his eyes. Napahinga nalang ako ng malalim dahil wala naman ata silang balak na sagutin ako.
"Ang bobo mo talaga! Hindi na ako magtataka kung bakit puro line of 7 grades mo!" saad ni Buen habang nakatingin sa kawalan. Si Neo naman ginagaya-gaya si Buen ng walang boses. Nakakairita mukha nito, sarap supalpalin.
"Atleast may grade." saad nito nang lumingon si Buen.
"Okay, stop. Para kayong mga bata. Umuwi na nga kayo." Napatigil sila at bumusangot ang mga mukha, nagpapaawa na naman.
"Basta tawagan mo lang ako pag may kailangan ka." saad ni Buen at saka lumabas ng bahay na wala manlang paalam na binanggit.
Eto namang si Neo, malawak ang ngiti at parang may kagaguhang gagawin.
"Pwede ba dito ako matulog?" kinuha ko ang kutsilyo sa kusina saka ko siya hinarap.
"Pwede, pero bawat galaw mo, isang saksak sa katawan mo! Pwede?" Malademonyo akong ngumiti habang nakataas ang kutsilyo.
I don't trust anyone even if we're close.
"Sabi ko nga, uuwi na. Basta tawagan mo lang ako kung may kai--"
"Labas na! Ang daming satsat!" sigaw ni Buen na nasa labas pa rin pala.
"Nandiyan ka pa pala!" Puna ko, his eyes are so cold, bakit ba pabago-bago ng mood 'tong isang 'to?
"Tara na!" sigaw ni Buen kay Neo pero hindi ito nakinig kaya pumasok ito at piningot si Neo palabas ng bahay. Kailan kaya nila balak magkaayos?
"Byeeee!" sigaw ni Neo sa sakit ng pagkapingot ni Buen.
Napangiti nalang ako nang tuluyang mawala sila sa paningin ko. Masarap pala magkaroon ng mga kaibigan na totoo sayo.
Umaga palang, pero pinauwi ko na agad sila para makapaghanda sa darating na pagsusulit. For sure, mamaya, andito na naman sila mangugulo.
YOU ARE READING
RPW: THAT PRINCESS IS MINE
FanfictionChoosing between two people whom you love isn't that easy. It's about choosing what's best and what's better. Chloedia isn't that normal lady. Her blood is royal and everyone vows on her. But still, her traits became the reason why people loves her...