RPW: TPIM 10

124 13 0
                                    

Niña's POV

Ang daya naman ni ate Chloedia, sabi niya sasama siya. Pinagmamasdan ko lang ang mga mata ni kuya, nagkukunwaring masaya kahit alam kong may bumabagabag sa kaniya.

"Hindi ka ba sasama sa laro nila?" Bahagya lang akong tumawa habang pinagmamasdan sina Adie at Kaloy na naglalaro ng siso.

"Nakakamiss maging bata kuya no, 'yong wala kang ibang alam kundi maglaro lang " he nodded.

"I want to meet Buen." Bigla akong napatingin sa kaniya.

"He's out of my life na kuya. A-and,for what pa? Enough na sa akin na hindi pansinin, saka, siguro, siya 'yong parusa sa kabila ng pagsuway ko. Sorry po!" I lowered my head.

"No, wala kang kasalanan." he paused, "Tama si Chloedia, hindi ko hawak ang puso mo. Ang pagmamahal, nasa paligid lang, hindi mo alam kung saan ka tatamaan. But Niña, as a woman, set your standard higher." Ewan, Ang saya ko na sa wakas, hindi na ako paghihigpitan ni kuya dahil naiintindihan niya na ako.

"What do you mean kuya?" He stared out of nowhere.

"Walang masama kung makaramdam ka ng pagmamahal pero, don't force yourself to love them. Don't force them to love you. Hayaan mong puso at isip ang mangibabaw kapag gumagawa ka ng desisyon sa buhay mo. Set your standard higher, hindi porket mahal ka, mamahalin mo pabalik. Hindi dahil mahal mo, mag-eexpect ka na mamahalin ka niya pabalik. Piliin mo ang taong pinipili ka at pinipili mo. Doon ka sa lalaking kaya kang panghawakan, hindi man sa salita pero nakikita sa gawa. Be better also, for you to find a better one." I nodded and smiled.

"Opo Kuya. Salamat po!" Saad ko bago siya niyakap.

Napakaswerte ko sa kuya ko.

"Kuya, magccr muna ako." paalam ko kaya agad akong tumayo para magpunta sa banyo, kanina pa ako naiihi e.

Habang papalapit ako sa banyo, nakikita kong nagbubulungan ang mga tao tapos nakatingin pa sa akin. So I turned around to see what's with them pero, wala akong makitang sanhi bakit sila nakatitig sa akin.

I feel so confuse, what's wrong?

Grrr, hindi ko nalang sila inalintana at pumasok ako sa isang vacant cubicle at doon nilabas ang mga tubig na hindi na kailangan upang mabuhay ang isang diyosa.

Ang mga nakapikit kong mga mata ay dagliang bumukas ng makarinig ako ng tilian sa loob ng banyo.

Alam ba nilang hindi lang sila ang tao?

"A-anong ginagawa niya rito? Aaaack!" bulungan ng mga tao. Dali-dali kong inayos ang sarili ko para naman makasagap ako ng maikukwento sa mga kaibigan ko mamaya.

Nang buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang nakasandal sa washing area na isang binata, nakasuot ng long sleeve, black pants at puting sapatos. Nang itaas ko ang tingin ko'y dali-dali akong pumasok ulit sa cubicle pero napigilan niya ang tuluyang pagsara ko.

Aaaaaah, bakit nandito si Buen?!

"I'll let you out kung mag-uusap tayo." nagtilian ang lahat ng nasa loob ng banyo. I swallowed before standing straight.

"Buen, 'wag kang mageskandalo dito!" I pushed him for me to get out pero nakaharang pa rin siya sa harap ko at unti-unti lumapit sa akin kaya paatras ako ng paatras hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa isang cubicle. 

Palakas na ng palakas ang kabog ng puso ko.

Natatakot ako, baka pagpyestahan ako sa rpw.

"I'm not doing any scandal. Maliban nalang kung gahasain mo ako ngayon." Ang kapal ng mukha niya.

RPW: THAT PRINCESS IS MINEWhere stories live. Discover now