Kenji's POV
Halo-halong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Mga katanungan na gusto kong sagutin. Mga bakit at sana na nananahan sa isip ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa labas habang hinihintay ng magiging resulta. Ayokong dumating sa puntong ibigay ni Chloedia ang puso niya sa kapatid ko, pero mas lalong hindi ko kayang mawala pati si Niña. Sobrang hinagpis na ang nadama ko sa pagkawala ni Kaloy at Adie, pwede bang kahit si Niña nalang ay matira?
Hindi ko alam, parang hindi ko alam anong gagawin kaya't hahayaan kong ang oras at tadhana ang siyang gumuhit sa aking palad. Wala na akong magagawa, tapos na... Wala na sila...
"Kenji? Ana--" daglian akong tumayo nang marinig ko ang boses ng tunay kong ama. Hindi lang ako lumingon habang paalis na sana. Ayoko munang magulo ang isip ko. Hindi pa ako handang tanggapin ang lahat. Dahil sa kaniya, nangyayari ang lahat ng 'to. "Anak! Sandali lang naman oh. Miss ka na ni Dad--"
"Wala na akong ama. Patay na ang tunay kong ama." Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Anak, kaya ko naman ipaliwanag ang lahat e. Pakinggan mo lang ako." saad nito. Hahawakan niya sana ako kaso iniwas ko ang mga braso saka pumatak ang mga luha ko.
I slowly looked at him, "Dahil sayo kaya nawalan ako ng mga kapatid. Sobra ang galit ko sayo kaya layuan mo na ako dahil hindi.mo.ako.anak!" sigaw ko dito dahil sa galit. Imbis na saya ang maramdaman ko, puro galit.
Sana hindi nalang siya dumating sa buhay ko.
"Anak, patawarin mo naman ak--"
"Sana hindi mo nalang ako hinanap. Sana hindi namatay ang mga kapatid ko." saad ko dito, pinipilit kong pigilan ang mas malakas na patak ng mga luha ko.
"Ikinalukungkot ko ang nangyari. Anak, patawarin mo naman ak--"
"Kung iniisip mo na mapapatawad kita dahil sa pera mo, nagkakamali ka. Hindi ko kailangan ng pera mo. Hindi ko kailangan ang ikaw! Ang gusto ko, ibalik mo ang buhay ng mga kapatid ko!" sigaw ko na siyang naging sanhi upang pagtinginan ako ng mga dumaraan.
"Hindi naman ako Diyos pero anak, hindi ko ginusto ang mga nangyari..."
"Wala na akong magagawa, wala na sila. Kaya umalis ka na dahil hindi kita mapapatawad." I sighed. Agad nanghina ang tuhod ko kaya't napaupo ako at ipinatong ang mga siko sa hita ko.
"Anak, bibigyan kita ng bagong buhay."
"HINDI KITA KAILANGAN PARA MABUHAY. SANA HINDI MO NALANG AKO HINANAP! SA-SANA... MASAYA KAMI NGAYON..." pagbagsak ng mga luha ko.
"Anak..."
"ALIS!" sigaw ko dito.
"Hi-hindi..."
"ALIS NA NGA SABI E!" pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa pamilya ko.
"Anak..." Saad nito habang humahakbang palayo. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy na umiyak.
Pagbabayaran niyo ang lahat ng 'to.
"Kenj!" alam kong si Noah ang tumawag sa akin kaya inalis ko ang luha sa aking mga mata.
"Bakit ka nandito..." tanging tanong ko, alam kong alam niya ang lahat.
"Patawarin mo ako..." sambit nito kaya bahagya akong natawa.
"Patawarin? Noah, naririnig mo ba 'yan? Kaibigan kita. Tinuring kitang kapatid pero natiis mo lang na nakikita akong nahihirapan sa bawat araw? Habang ikaw, masarap ang buhay? Bakit Noah? Bakit mo tinago sa akin ang tunay kong pagkatao?"
YOU ARE READING
RPW: THAT PRINCESS IS MINE
FanfictionChoosing between two people whom you love isn't that easy. It's about choosing what's best and what's better. Chloedia isn't that normal lady. Her blood is royal and everyone vows on her. But still, her traits became the reason why people loves her...