RPW: TPIM 18

97 10 0
                                    

Kenji's POV

"So, alam niyo na palang may sakit si Chloedia at..."

"si Noah ang mahal niya." pagputol ko kay Noah. Alas 8 ng gabi, nasa harap kami ng karagatan, umiinom.

"Ouch! Alam mo, wala naman akong kinakampihan sa inyo kahit na nabanggit na sa akin ni Chloe ang mga katangian niyo. Sorry to tell but I want my friend to be happy." I gently nodded, staring from nowhere.

Tanging liwanag ng mga ilaw ang bumubuhay sa kapaligiran, kaharap ang umaalong dagat at ang tunog nito'y naglalaro sa aking dibdib.

"Kaya, alam kong tama lang na ibigay siya kay Noah." He's nodding. Alam ko na, kahit ngayon lang kami nagkakilala, mapagkakatiwalaan siya since he's a friend of Chloedia.

"Pero, kung mahal mo naman talaga... Why not... Ipaglaban mo?" he's cheering his own glass to air.

"Ipaglaban? Para saan? Maging duguan sa sarili kong laban? Para saan? Para mas ipamukha sa sarili ko kung gaano ako katalunan?" I took a glimpse before drinking my wine.

"Talunan? Kenj, nagpaubaya ka and it doesn't mean talunan ka, it's showing how mature and brave you are. You sacrificed someone, kahit na alam mong mahihirapan ka." saad nito. Patuloy na bumibigat ang dibdib ko, pasikip ng pasikip habang palalim ng palalim ang gabi.

Huminga ako ng malalim, "Sobrang hirap bakla! Sobrang, nakakapanghinyang. Minsan lang ako magmahal, minsan lang ako maging ganito hahaha. Tapos, lagi pang talo." I sighed, drinking my wine again. He's kinda tapping my shoulder, I heavily breathe.

"Marami ka pang hindi alam sa mundo, mga sekreto, mga bukas at mga kahapon. Lahat tayo may kaniya-kaniyang buhay, lahat tayo may pinagdadaanan, pero hindi ibig-sabihin na isusuko natin lahat. And I'm so proud of you, for choosing to let go more than fighting them, kahit na masaktan ka. Bihira 'yon, Kenji. You deserve someone, you deserve but not her." Napiling nalang ako bago bahagyang tumawa.

"Loving her is like a moon, mahirap maabot." napatingin ako sa kalangitan, tinatakasan ang sakit sa loob ng dibdib ko.

"Crying could ease our pain, gusto mo samahan kitang umiyak?" natawa lang ako habang pinagtatama namin ang mga boteng hawak namin.

"Alam mo, buti natiis mo ugali niya?" bigla nitong nirolyo ang mga mata niya.

"HAHAHAHA mabait siya, masungit lang." I nodded, mabait siya, pilosopo lang.

"She's indeed kind and generous, to the point na kahit sarili niya ibibigay niya sa iba." I nod down.

"So, tatanggapin mo nga ang puso niya para sa kapatid mo?" Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi, kasi, mahirap makitang mawalan siya ng buhay sa harap ko dahil sa sakit niya at mawala ang puso niya dahil sa kapatid ko. Sinong tao ang gugustuhin 'yon?

"Ewan, sobrang hirap e. I want her to be happy with Noah, pero ang sakit sa puso na alam mong bukas, wala na siya. Imagine, araw-araw kong makikita si Niña na masaya dahil may bagong puso siya, pero paano ako? Paano 'yong damdamin ko?" Bagsak na ang mga mata ko, gusto ko nalang kalimutan lahat ng 'to.

Hindi ito 'yong gusto kong mangyari sa unang araw ng pagpunta ko dito. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang ako tumuloy.

"Shhhh, same! Ayokong mawala sa akin si Chloedia. Kasi siya 'yong unang tao na naniwalang kaya kong maging ako. Na, hindi ako salot, hindi ako worthless and useless. I love her kahit na ilang days palang kaming nagkakasama." bigla itong humagulhol ng iyak at biglang lumabas ang sipon nito kaya nakapikit ako sa kalaswaan niya.

"S-sorry... Nadala lang ako ng emosyon ko." paumanhin nito habang pinapahid ang sipon niya.

"Alam ko, halata naman kasi nadala pati sipon mo!" I chuckled.

RPW: THAT PRINCESS IS MINEWhere stories live. Discover now