KABANATA 1

1.3K 447 516
                                    

Chapter 1: History Field Trip

"Bes, Ano na?!" narinig kong sigaw ni Tania mula sa ibaba.

"Wait lang!" sigaw ko pabalik. Mabilisan kong dinampot ang liptint sa aparador saka ipinahid ito saking labi. Mag kanda lagpas-lagpas naman yung liptint ko dahil sa pagmamadali. Napaka-atat naman kasi jusmeyo!

Huling pag sulyap nalang sa salamin, bumaba na'ko mula sa ikalawang palapag ng aming bahay dahil walang tigil parin sa pagsigaw si Tania.

"Eto na! Sandali..." naiinis na singhal ko habang huma-hakbang pababa diretso lamang ang tingin sa mainiping kaibigan. "Ang bagal mo ka mo" reklamo niya. Napairap na lang ako at hinila na siya paalis ng aming bahay. Hindi na'ko nagpaalam kay nanay dahil alam niya ng may lakad kami ni Tania ngayon.

History field trip namin ngayong araw pero iba ang idinahilan ko kay nanay. Alam ko naman kasing hindi niya ako papayagan kapag sinabi kong sasama ako sa field trip namin. Ewan ko ba doon kung anong problema, Field trip lang naman yun... Wala namang mawawala sakin kung sumama ko noh!

Maaga pa naman dahil alas otso pa talaga ang time pero sobrang atat lang talaga nitong kaibigan ko. Gusto lang ata maka-silay muna sa crush niya bago kami maka-alis e.

Sumakay kami sa tricycle at bumaba sa harap ng school. "Manong... para nalang ho diyan sa tabi" sabi ko sa driver pagkarating namin ang harap ng school. Ibinigay ko ang bayad at sinuklian naman ako ni manong driver.

Pagbaba namin ni Tania sa tricycle napansin ko agad ang iilang estudyanteng gaya namin ang naroroon na. Hindi na nakapagtataka kung bakit iilan palang ang mga estudyante dahil ang aga pa nga. 7:10 am pa lang nang eksaktong makarating kami. Luminga-linga ako sa paligid, mayroon naring iilang mga bus na nakapila pero wala pang pinapapasok na mga mag-aaral. Wala pa nga akong nakikitang kahit isang teacher na nandito eh.

"Hoy! Teka! Saan punta mo?" papaalis na si Tania ng makalingon ako sa banda niya.

"Diyan lang... Maaga pa naman hehe" aniya habang itinuturo yung kahoy na upuan sa ilalim ng punong mangga.

"Oo... maaga pa... Tingnan mo naman wala pang teacher oh" naiinis na sambit ko saka ngumiwi.

"Sorry na" natatawa pa siya sabay kuha ng kamay ko pinagsalikop ang mga ito sa kanya. Siguro na realize niya na naiinis ako. Ang aga-aga kasing pumunta sa bahay tapos pagmamadaliin niya ko makita lang yung crush niya jusko!

"Diyan lang naman eh..." sabi niya pa nagpupumilit.

"Okay... Fine! May choice pa ba 'ko?" I said and nodded at her. Masaya naman siyang nagtatalon saka nagpaalam na sakin. Wala naman na akong nagawa dahil sobrang mapamilit siya. Hay! Bahala nga siya diyan.

Huling taon na namin bilang high school student dahil grade 12 na kami ngayon Senior high kung tawagin ng karamihan. Sa totoo lang gusto ko na talagang mayari ang grade 12 dahil gusto ko nang maranasan ang maging college student. Frustrated narin kasi ako sa History pero I do really love it kahit na hirap ako pagdating sa memorization.

I got high grades and some awards sa acads kontento na'ko doon pero hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko may kulang... Minsan pag sinasabi ko yun kay Tania natatawa lang siya at sasabihing 'Kulang kalang sa jowa bes' tapos parang loka-lokang tatawa nakahawak pa sa tiyan.

Napailing-iling nalang ako sa naisip. Naglakad ako papalapit sa batong upuan sa labas ng school namin saka umupo doon. Inilabas ko ang headset ko at cellphone sa sling bag saka nakinig ng kanta.

As i was listening to Kung wala ka by Hale. Napabaling ako sa gawing kanan ko nang may biglaang kumalabit sa akin. Agad kong tinanggal ang headset sa tenga ko saka nilingon yung lalaking tumabi sa'kin.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon