KABANATA 5

603 356 190
                                    

Chapter 5: Sapi

1940!?

Napatulala nalang ako sa kaniya dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to! Totoo ba talaga?

"Hoy! Panong nangyari 'yon!"

"Ano ang 'yong sinasabi binibini?" Unti-unti siyang lumayo sakin na parang nawi-wirduhan. "Eto! Panong nangyari to!, Paanong nandito ko sa panahon niyo!?" pagalit ko nang sambit saka dahan-dahang lumalapit sakanya.

"H-hindi ko talaga m-maintindihan, binibining Marina, Ano ba ang 'yong sinasabi... At bakit tila galit ka sa akin?" aniya habang umaatras dahil papalapit na'ko ng palapit sa kanya.

"Panong di ako magagalit eh! N-nandito nga ko sa panahon niyo" isinigaw ko na sa kanya. Napailing-iling nalang siya sa sinabi ko saka biglaang kumaripas nang takbo papalabas ng kwarto.

"Hoy---Bwisit! Aano ka!" Sigaw ko ulit at hinabol siya. Pero hindi ko inaasahang bigla niyang hinatak pasara ang pinto kaya hindi agad ako makalabas. Kinandado pa ata kainis talaga!

"Hoy! Ano ba! Buksan mo yung pinto! Hoy! Ho-----" kinakalabog ko ng walang habas yung pinto habang sigaw ng sigaw sa loob ng kwarto. Bigla namang bumukas yung pinto kaya natamaan ako.

Para ba'ng hinampas ka ng matigas na bagay sa ulo tas feeling mo umalog yung utak mo.

Umikot-ikot yung paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari...


Third person's POV

Pagbukas ni Martina ng pinto sa kwarto, narinig nalang niyang may kumalabog mula sa loob. Doon, pagpasok niya.... Bumulaga ang kaniyang kapatid na nakalupasay sa sahig.

Nanlaki ang mata niya at saka dali-daling nilapitan ito.

"Marina!, Marina! Aking kapatid, gumising ka!" pilit niyang niyuyugyog si Marina ngunit tila nabagok ito at hindi nagigising.

Sinampal-sampal niya pa ito ngunit wala talagang talab kaya naman nagtawag na siya ng makakatulong.

"Señor Lorenzo! Halika rito, at ako'y iyong tulungan" aniya pagkayaring iwan ang kapatid doon at saka tawagin ang matipunong ginoo.

"Ano ang nangyari?" usal ni Lorenzo dahil sa narinig na pag-aalala sa boses ni Martina.

"Ang aking kapatid ay nawalan ng malay, tumawag ka ng manggagamot... sana'y iyong bilisan" natataranta nang sambit niya.

"Makakaasa ka, Binibining Martina" anito at dali-daling umalis upang tawagin si Doktor Santiago.

Nakarating naman agad sila Lorenzo at Doktor Santiago kila Marina. Agad sinuri ng Doktor si Marina na wala paring malay hanggang ngayon.

"Huwag kayong mangamba... Magigising kaagad si Binibining Marina maya-maya lamang" anito sa kanila.

At nang dahil sa sinabi ng doktor nakahinga ng maluwag si Martina.

"Hindi naman kumplekado ang natamo ng binibini, ngunit sa kaniyang pagmulat makakaramdam parin siya ng pagkahilo" pagpapatuloy ng doktor, napasang-ayon naman sila Martina at Lorenzo sa sinabi nito.

Pagkayaring ipaliwanag ang kailangang gawin para sa mas ikabubuti ni Marina. Umalis na ang doktor at nagpasalamat naman ang dalawa lalong higit si Martina.

Pagkalingon nila kay Marina na nakahiga sa kama ni Martina...


***

"Marina! Huwag ka munang tumayo, ikaw ay magpahinga muna..." rinig kong sabi ng isang boses. Kumukurap-kurap ako pero parang ang labo ng mata ko. Unti-unti rin akong bumangon subalit may pumipigil saking kung sino.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon