Chapter 11: Titig
"Anata wa daijōbudesuka?" (Are you okay, miss?) aniya sa mababa at sinserong tinig.
Nakatayo na kami ngayon pero feeling ko magkadikit parin ang katawan namin.
"Ha? Anong sabi mo?" Hindi ko siya maintindihan. Hindi rin ako mapakali sa posisyon namin. Nakahawak pa rin kasi siya sa baywang ko.
"Nani ka itaidesu ka?" (May masakit ba sa'yo?) nagaalalang tanong niya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil hindi ko siya sinasagot. Pa'no kong sasagot eh... Hindi ko naman siya naiintindihan... Nani lang alam ko, Takte!
Napipilitan nalang akong napatango. "Tawagoto! Doko no itami?" (Shit! Saan ang masakit?) mas mababanaag ang pag-aalala sa kaniyang tinig ngayon. Hindi niya parin inaalis ang pagkakahawak sa baywang ko.
"G-ginoo..." rinig ko nalang na sambit ni Lucia sa di kalayuan. Bigla akong natauhan at napansin ko nalang na sinusuri na pala ko ng Hapon.
Napapitlag ako at dali-daling lumayo. "P-paumanhin po, ginoo... subalit---maling asal ang inyong g-ginagawa" pagpapatuloy ni Lucia. Paglapit ko sa kanya, mabilisan niyang hinawakan ang aking braso saka ako ikinubli sa kaniyang likuran.
"Warui koto wa nani mo shinakatta" (Wala naman akong ginawang masama) inosenteng sagot niya. Nakatayo na siya ng maayos at naka-paharap sa amin ni Lucia.
"Binibini, pag sinabi kong tatlo tatakbo ka pabalik kay Victor, Ha?" napabaling nalang ako kay Lucia ng pabulong niya iyong tinuran.Aano daw ako? Tatakbo?
"B-bakit naman?" naguguluhang tanong ko pero pabulong din. Tumingin muna siya sa lalaking nasa harapan namin saka siya muling bumaling sa akin.
"Masama ang kutob ko sa ginoong ito, binibini... At mukhang puntirya ka niya" nananakot na aniya. Tiningnan ko naman yung hapon. Hindi naman siya mukhang manghoholdap e! Ang pogi niya kaya!
"Hindi naman siguro, Lucia... judgemental ka lang!" biro ko. Pero mukhang hindi niya narinig yung huling sinabi ko dahil tutok na tutok siya sa hapon.
Anong nangyayari?
Mukhang may dugong-bughaw ang binatilyong ito...
D-diba si Binibining M-marina iyan? Ang anak nang Don Arturo?
Narinig kong bulungan ng mga tao sa paligid namin. Shit! Nasa palengke pa nga pala kami! Ugaga akong hinawakan ang braso ni Lucia kaya't napabaling siya sakin. "T-tara na! Uwi na tayo" pakiusap ko sa kanya.
"Ngunit...binibini? Paano na ang ipinabibili sa atin?" may pag-aalinlangan sa kaniyang tinig. Oo nga pala!
"Ang 'yong baro, binibini" gulantang na wika niya habang tinuturo ang aking kaliwang balikat. Nagtataka naman akong napatingin doon, laking gulat ko nang makita ang mantsa sa damit ko na pinagmulan ng ice cream ko kanina.
"Hala! Alisin mo, Lucia! Mapapagalitan ako!" agaran naman siyang lumapit sakin, nanlaki nalang ang mata ko nang pilasin niya ang kaunting bahagi ng kaniyang saya. Saka dali-dali niyang itinapat ang tela saking kaliwang balikat at malumanay na pinunasan ito. Gusto ko sanang umangal kaso para siyang determinadong maalis ang mantsa sa damit ko. Pero kahit ilang beses niyang punasan iyon, hindi nawawala ang mantsa sa puti kong baro.
"Lucia, tama na. Ayos na... Mukhang di naman matatanggal" sabi ko kahit pa patuloy parin siya sa pagpupunas.
"Maaalis rin ito, binibini... Sandali lamang" aniya at mas pinag-igihan ang pagpupunas. Halos sumakit na ang ang balikat ko dahil patindi na nang patindi ang pagpunas niya.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...