Wakas
"Omg! Tita si Rina!" narinig kong tugon ng isang babae hindi kalayuan sakin. Nanlalabo ang paningin ko kaya't hindi ko siya magawang makita ng buo.
Naaninag ko naman ang paglapit ng isa pang babae sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Marina, anak! O Diyos ko, salamat!" rinig ko ang paghikbi niya habang nasa pisngi niya ang kanang kamay ko.
Sinubukan kong tumayo at kusutin ang mata ko gamit ang kaliwa kong kamay pero agad din akong napahiga dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Pakiramdam ko parang pinipiga ang utak ko.
"Tita sandali lang po tatawagin ko lang yung doctor---" kasunod niyon narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Dalian mo hija"
Luminga-linga ako sa paligid tanging puting dingding at kisame lang ang nakikita ko. Kumurap-kurap ako para mas maging malinaw ang paningin ko.
"Masakit ba ang ulo mo anak? A-ano pa ang nararamdaman mo?"
Nilingon ko ang babaeng kumakausap sakin. Sa pagtagal ng pagtitig ko sa kaniya unti-unti ng nagiging malinaw ang paningin ko hanggang sa tuluyan ko ng napagmasdan ang mukha niya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha at mukhang hindi rin siya nakakatulog ng maayos dahil sa mga itim sa ilalim ng mata niya.
Dahan-dahan akong tumango at sinubukan ulit na tumayo. "Masakit po ang ulo ko" sabi ko. Hindi ko maiwasang magtaka dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit tinatawag niya akong anak.
"Sino po kayo?" tanong ko.
Dahil doon agad niya akong niyakap at hinaplos ang likuran ko. Suminghot-singhot siya pero wala siyang sinasabi. Tatanungin ko na sana kung bakit siya umiiyak ng biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang isang babae at lalaki.
Napatingin ako sa babae ng umalis siya sa pagkakayakap sakin at lumapit naman sakin yung lalaking nakaputi may kung anong nakasabit sa kaniyang leeg.
Bahagya akong napaatras ng ilapit niyon ang bagay na nakakonekta sa kaniyang tainga. Ngumiti siya ng bahagya kaya umayos ako sa pagkakaupo. Ilang sandali lang matapos niyang gawin ang mga dapat niyang gawin tumalikod na siya sakin.
"Doc, Kumusta po yung anak ko?"
Tumikhim ang doktor "She's fine for now... But, Ano pong una niyong gustong malaman? Bad news or good news?"
Kita ko kung paanong malungkot ang mata ng babae.
"Yung g-good news nalang po" aniya
Tumango ang tinawag niyang doc.
"Himala po ang nangyari sa anak niyo. Bihira sa pasyente na maka survive lalo na sa case niya. Talagang lumaban po ang anak ninyo" huminto ang doktor.
"But, lubhang naapektuhan ang isip niya kaya hindi siya nakakaalala" pagpapatuloy ng doktor. Umakyat ang kaba sa dibdib ko.
"P-pero makakaalala pa naman siya diba, Doc? Gagaling pa naman yung anak ko diba?"
Hindi agad nakasagot ang doktor. "I'm sorry, Mrs Gonzales hindi ko pa tiyak kung babalik ba ang alaala niya pero patuloy po naming susubaybayan ang anak niyo. We'll do our best" sabi nito at iniwan na kaming tatlo.
Pinagmasdan ko lang sila kung paano nila yakapin ang isa't-isa. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Walang anumang salita ang lumalabas sa aking bibig.
Lumipas ang ilang oras namalayan ko nalang na nakatulog pala ako. Pagtayo ko wala akong makitang kasama ko sa loob kaya sinubukan kong maglakad hanggang sa matagpuan ko ang isang salamin. Humarap ako doon, may benda na nakaikot sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...