KABANATA 14

381 229 172
                                    

Chapter 14: Gusto

"Andito ka rin pala?" agad akong humakbang papalapit ngunit natigil ako nang hawakan ng kung sino ang aking braso. Napalingon ako at nakita ko ang pailing-iling na si Anastasia. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso kaya hindi ko iyon agad maialis sa pagkakahawak niya.

"Ano pa'ng hinihintay mo? Humayo na raw tayo sabi ni Madam Teresita" sabi niya saka hinigit ako papalapit sa kaniya. Anong problema ng babaeng to? Parang kanina lang ang sungit niya sakin ah? Tapos ngayon parang nagka-concern siya sakin bigla?

"Sandali" narinig kong pagpigil ni Akio sa amin. Napabaling ako sa kanya, seryosong mukha niya lamang ang kaniyang ipinapakita. Nakatingin siya ngayon kay Anastasia habang hawak rin niya ang aking braso.

"P-paumanhin ginoo... Subalit kami'y tinatawag na nang aming guro" tanging nasabi ni Anastasia. Mas hinihigit ako nito  palayo kay Akio. "Wait--este sandali lang nga!" natatarantang sabi ko sabay nagpumiglas sa pagkakahawak nilang dalawa. Lumayo ako ng bahagya saka pumayweng sa harapan nila.

"Ano ba'ng problema mo ah, Anastasia?" naiinis na tanong ko sa kaniya tsaka tinaasan ng kilay. "Wala akong problema, Marina. Ang gusto ko lang ipaalam sa'yo... Pinapatawag na tayo ni Madam Teresita dahil nais na tayong papasukin ni Padre Jacinto sa kanilang simbahan" naiinis ring aniya saka inilahad ang kanang kamay niya sa aking harapan. Nag-aanyayang umalis na kaming dalawa.

Wait! Asan na nga pala si Corazon?

Inilibot ko ang aking paningin sa napakaraming tao sa paligid hanggang sa makita ko si Corazon kasama sila Madam Teresita na nakikisaya sa mga nagsasayawan.

Muli akong bumaling kay Anastasia. "Anong pinagsasabi mong papasok sa simbahan? Nakikita mo ba yun?" sabi ko sa kanya sabay turo sa gawi nila Madam Teresita. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya hanggang sa nakita ko nalang na bahagyang napaawang ang kaniyang bibig at pagtapos ay tiningnan niya ako ng masama. Anong tinitingin-tingin mo diyan ha? Dukutin ko yang mata mo eh!

"Anastasia?" pakunwaring tanong ko medyo nilakasan ko rin ang pagkakasabi dahil dala ng maingay na tugtugin. 

"Ughhh! Bahala nga kayo diyan!" naiinis na naglakad siya patungo kay Corazon habang naiwan kaming dalawa ni Akio sa gitna ng kalsada. Tinataw ko pa si Anastasia sa kaniyang paglakad-takbo hanggang sa makita kong hinigit niya rin si Corazon palayo sa sinasayawan nito.

Napabaling lang ako kay Akio ng kalabitin niya ako. Agarang nakita ko ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi na naging sanhi ng pag-ngiti ko rin. "Kumusta, Binibinini?" unang tanong niya sa akin hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Ayos naman" sagot ko saka inayos ang laylayan ng saya ko.

"Ah...ikaw ba? Kumusta, Ginoong Akio?" nakangiting tanong ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkamot niya sa kaniyang batok.

"Ganoon rin, Binibini---" naputol ang usapan namin ni Akio ng may biglang umakbay sa kaniya na ikagulat ko. Napatingin ako sa umakbay sa kaniya, lalaki rin ito pero mukhang purong Pilipino. Halos magkasing-tangkad lang din sila ni Akio at maging sa build ng katawan ay magkapareho.

Mas lumapit pa ang lalaki kay Akio para bumulong. Hindi ko naman narinig dahil ang lakas ng dagundong ng tambol. Ano kayang binulong neto?

Ilang sandali lang nakakalokong ngumiti sa akin yung lalaki na ikinangiwi ko. May muli pang ibinulong ulit iyon saka tinapik-tapik ang balikat ni Akio. Nangunot naman ang noo ko sa kinikilos nila.

"Hai" rinig kong sabi ni Akio doon sa lalaki. Sunod kong namalayan ay ang paglapit nung lalaki sa akin. Nang nasa harapan ko na siya hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin kaya napaatras nalang ako. Pero nahinto lang 'yon nang ikinuyom niya ang kaniyang kamao saka sumenyas na pag-untugin ang kamao namin. Nung una hindi ko agad na gets ang sinesenyas niya hanggang sa hahawakan niya na sana ang kanang kamay ko nang....

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon