Chapter 25: Hanggang sa muli
"MIERDA!, Descubre quién lo hizo!" (Fuck! Alamin niyo kung sino ang gumawa nito!) umalingawngaw ang sigaw ni Don Arturo sa apat na sulok ng hacienda.
Mas lalo ko lang idiniin ang sarili ko sa higaan. Hindi ko alam kung ilang oras nakong tulala matapos ang nangyari. Hindi ko na naintindihan ang sinabi nila Doña Karina sa'kin kanina nang salubungin nila ko. Wala akong ibang maisip kundi ang pagbagsak ni Akio sa harapan ko. Ang bala na tumama sa puso niya. Ang mga huling salita na binitawan niya.... Ang malungkot niyang mga mata--- noong niyakap namin ang isa't-isa.
Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala dahil sa'kin? Hindi pa ba sapat na may isang buhay ng kinuha niya? Walang kalaban-laban yung tao! Bakit pati si Akio pa? Bakit kung kailan umaayon na ang lahat mangyayari pa'to? Hindi ko maintindihan! Kung sino pa ang mga taong walang ginagawang masama... Sila pa ang binabawian ng buhay.
"Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nahahanap ang walanghiyang iyon!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagtalukbong ako. "Marina" si Martina.
"U-umalis ka na... Gusto kong mapag-isa" pagalit kong sinabi. Ayokong kausapin ang kahit na sino sa kanila. Mas gusto kong mapag-isa. Kailangan ko ng panahon para makapag-isip-isip. At hindi pa ito ang panahon na yon.
"Pero, Marina..." Pinutol ko agad siya.
"Pakiusap k-kahit ngayon lang. Hayaan niyo m-muna ko" nanghihina na'ko sa mga salitang binibitawan ko. Sariwa pa lahat sa isip ko ang mga nangyari. Mas masakit pa'ng makitang mawala ang mga taong naging mahalaga satin kaysa sa mga sugat na natamo ko. Ang mga sugat madali lang naman maghilom pero ang mga nangyari nakatatak na sa puso't isipan kaya hindi ganun kadaling ibaon nalang sa limot.
Umalis na ulit si Martina, mag-isa nanaman ako sa kwarto ko gaya nga ng gusto ko. Hinayaan ko narin ang uniporme ni Lucia na suot-suot ko. Wala na din namang halaga dahil napagtantuan narin nila ang ginawa ko.
Tinanggap ko lang lahat ng pangaral nila sakin pero parang wala ako sa aking sarili. Lumalabas lang lahat sa kabilang tenga ko ang mga naririnig ko sa kanila.
"Marina naman! Bakit ka lumabas? Kita mo na kung ano ang nangyari?"
"Alam mo namang hindi ka pa lubusang magaling! Por qué estás ejerciendo tu terquedad?!" (Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!)
"Hayaan mo muna ang anak mo, Arturo. K-kailangan niyang mapaghinga" hinawi ni Don Arturo ang kamay ni Doña Karina.
"Hindi." Nilingon niya ko, halos manlisik na ang mata niya sakin. "Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala! Paano kung ikaw yung tinamaan ng bala ha!?" Hinablot niya ang braso ko at marahas na hinatak palapit sa kaniya.
Wala parin akong imik hindi ko magawang maibuka ang bibig ko. Manhid na ang buong katawan ko kaya sunod-sunuran nalang ang mga ito.
"Sumagot ka, Marina!" sigaw niya sa mukha ko. Napalingon ako kila Kuya Mariano at Marcelo na pinipigilan si Don Arturo sa paghigit sakin habang si Martina ay hindi magawang lumapit samin. Umiiyak lang siya sa isang tabi habang pinagmamasdan kami.
"Arturo! Bitiwan mo si Marina--- hindi masusulusyunan ang lahat ng ito kung paiiralin mo ang iyong galit" si Doña Karina na nagmamakaawa na kay Don Arturo.
Pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sakin pero wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko man lang maramdaman ang sakit na dala ng pagkakahawak niya. Kaya mabilis kong hinatak ang kamay ko mula sa kaniya at tumalikod upang tumakbo palayo sa kanila.
"Bumalik ka dito, Marina!" sigaw ni Don Arturo habang tinatahak ko ang hagdan paakyat sa kwarto ko.
Sumalampak agad ako sa higaan at kinulong ang sarili sa mga unan. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...