Chapter 23: Kaligtasan
Pagdating na pagdating namin sa bahay nagpaalam agad sa'kin si Corazon. Hinatid niya lang daw talaga ako tapos babalik na siya sa dormitoryo.
"Ako ng bahala na magsabi kay Madam Teresita tsaka alam naman nila kung bakit ako umalis"
"Hindi ba 'yon magagalit?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi laging nag-iinit ang dugo nun parang laging stress simula nung araw na nagkagulo kami ni Anastasia tapos nahimatay nalang siya bigla.
"Bakit naman siya magagalit? Alam naman na niya ang nangyari sa'yo kaya wala kang dapat na alalahanin" sabi ni Corazon. Tumango lang ako saka ngumiti.
"Magpagaling ka agad para may kasama na ulit ako sa silid natin"
"Oo" natawa ko. "Eh hindi ba nandoon naman si Anastasia?"
Ilang sandali siyang natigilan. Nangunot ang noo ko. "Wala na siya sa dormitoryo, Marina..."
"Huh?"
"Sinundo siya ng kaniyang ama noong nakaraang linggo... Nabalitaan naming hindi na siya babalik pa---"
Mas naguluhan lang ako. Bakit naman aalis si Anastasia?
"Ano ba'ng nangyari?"
"Hindi ko rin alam. Basta nalaman na lamang namin iyon kay Madam Teresita" tumango nalang ako.
Kahit naman enemies kami nung bruhildang yon hindi ko pa din maiwasang isipin kung bakit bigla-bigla nalang siyang aalis sa dormitoryo.
Ilang sandali lang hinayaan niya na din ako bago siya umalis niyakap niya muna ko.
"Babalik ako agad kapag pinayagan ako ni Madam Teresita. Basta magpagaling ka agad ah?" pag-uulit niya.
"Oo nga" natawa din siya.
"Tapos ibubugaw naman kita kay Kuya Mariano" biglang nanlaki ang mata ni Corazon saka lumapit sakin para takpan ang bibig ko.
"Huwag kang maingay" bulong niya na natatawa din. Lumingon-lingon pa siya sa paligid inaalala na baka may makarinig. Napailing na lang ako. Hanggang ngayon pala gusto niya padin si kuya?
Sumakay na si Corazon sa karwahe na papatakbuhin ni Victor. Itinaas ko ang kanang kamay ko para kumaway ganun din ang ginawa niya. Pinagmasdan ko lang na unti-unting mawala sa paningin ko si Corazon.
Pagharap ko sa hacienda ng mga Gonzales. Natanaw ko si Lorenzo na naglalakad papunta sa'kin. Pumasok na kasi sila kani-kanina sa loob hinayaan lang nila ko sa hardin dahil nagpapaalam sakin si Corazon na aalis na siya.
May upuan naman kami ni Corazon kanina kaya hindi ako masyadong nahirapan. Akala ko nga talagang okay na yung katawan ko na bigla na lang may nangyaring himala na hindi naman ako nakakaramdam ng kahit ano pero mali pala ko.
"Binibini" pagtawag ni Lorenzo.
Ilang hakbang nalang ang gagawin niya at tuluyan na siyang makakalapit sakin.
"Halika na... Kailangan mo ng magpahinga. Delikado dito sa labas"
Pahinga nanaman? Kakagaling ko nga lang sa hospital eh! Tsaka bakit naman delikado? Eh may mga gwardiya pa nga na nagkalat dito sa hacienda.
"Nasa loob naman tayo ng hacienda... Tsaka wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin dito"
Napabuntong hininga siya. "Hindi mo naiintindihan, Binibini... Mahirap na sa ngayon maraming masasama ang loob na nasa paligid lamang"
Tama naman si Lorenzo. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa nangyari sakin tapos madadagdagan pa ng panibagong trahedya?
Nakaalalay lang siya sakin mula sa likod ko habang naglalakad kami. Pansin ko rin na palinga-linga siya sa paligid na parang may hinahagilap. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin yun hindi ko rin naman obligasyon na alamin lahat-lahat ng nakikita ng mga mata ko nasa sakin padin kung ano ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...