KABANATA 21

120 15 1
                                    

Chapters 21: Pangako

Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay ni Mang Elyo habang hawak ang baso ng tubig na iniinom niya. Matapos kong ihatid si Binibining Conchita sa kanila. Nakita ko na lamang na nakatayo ito sa harapan ng bahay.

"Ayos lang po ba kayo?" nag-angat siya ng tingin, bahagyang ngumiti at tumango.

Tumango ako. Pakiramdam ko parang may mali. Tila hindi siya mapakali sa kaniyang pagkakaupo. May nais sabihin ngunit magtitigil rin kalaunan.

"H-handa na akong sabihin ang lahat ng aking nalalaman"

"Sigurado na po ba--" suminghap siya bago seryosong tumingin sa akin. Hindi sa ayoko... Mas mabuti nga at malalaman ko ang katotohanan mula sa kaniya ngunit nangangamba ako sa sitwasyon niya. Hindi ba napaka-bilis naman niya atang makapag desisyon?

"Sigurado na ko hijo... Ayokong kimkimin lamang ito dahil patuloy akong binabagabag sa tuwing naalala ko ang nangyari"

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tumayo ako. "Sasamahan ko po kayo sa hukuman"

"Lorenzo... hijo" Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng tawagin nito ang pangalan ko. Nilingon ko ito.

"Nais ko munang sabihin sa iyo mismo bago ko isiwalat sa hukuman" natigilan ako roon.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin... N-ngunit ang taong gumawa niyon kay Marina ay..." iniwas nito ang kaniyang tingin. Tila hirap na sabihin ang nais niyang iparating.

Hindi ko siya pipilitin kung hindi niya pa kaya. "Ayos lang po kung hindi niyo agad masabi. Huwag niyo pong madaliin ang inyong sarili baka kung ano pa ang mangyari sa inyo"

Hindi ito nakinig. Imbis ay nagpatuloy lamang. "P-pinuntahan ako ng taong iyon sa bahay. M-mabuti na lamang wala ang aking anak roon. Laking pasalamat ko hindi niya ako natagpuan kaya't ligtas akong nakarating dito" Nanlaki ang mata ko saka madaling lumapit.

"Alam ko na mula sa masama niyang tingin ng magtagpo ang aming mga mata alam kong babalik siya upang patahimikin ako. Ito na nga ang araw na ikinatatakot ko" nabasag ang boses niya habang nakatanaw sa malayo.

Hindi ko alam ang sasabihin. Napupuno ng takot ang mga mata ni Mang Elyo. Nararapat na talagang ipagpaalam ito sa hukuman upang maprotektahan si Mang Elyo.

"Natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin ng aking anak kung tuluyan kong isisiwalat ang aking mga nalalaman. B-baka pagtangkaan kami ng t-taong iyon gaya ng ginawa nito kay M-marina" napayuko ito lumandas na ang luha sa kaliwang pisngi.

"Kaya't naisipan kong ikaw muna ang aking lapitan... Baka sakaling mailigtas mo kami ng anak ko sa kapahamakan" bakas ang pagsusumamo sa boses ng ginoo.

Hindi ko makakayanan kung may mangyari pang masama sa kaniya maging sa anak nito na wala namang kinalaman sa usaping ito.

"Gagawin ko po ang lahat upang maprotektahan kayo" hindi ko alam sa papaanong paraan ngunit hindi ko hahayaang may masira nanamang buhay dahil sa taong iyon.

Inaya ko si Mang Elyo na tunguhin namin ang kinaroroonan ng kaniyang anak. Ang sabi niya ay dinala niya ito sa dormitoryo ilang buwan pa lamang ang nakakalipas dahil hindi niya na raw ito kaya pang buhayin. Dahil na rin siguro sa katandaan ay hindi niya na magawa pang ibigay ang lahat ng kagustuhan at pangangailangan nito.

"Kahit na magkalayo kami araw-araw ko pa rin siyang pinupuntahan upang mangamusta at kahit papaano ay abutan siya ng makakain" lungkot ang namumutawi sa mukha ng ginoo.

"Lubos nga ang pasasalamat ko kay Madam Teresita dahil tinanggap niya ang aking anak doon na katulong sa paaralan. Kahit papaano ay mayroon siyang nalalaman mula sa mga itinuturo doon"

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon