Chapter 22: Pagbabalik
Inurong nila Mariano ang kaso kay Victor dahil umamin naman ito kung bakit niya nagawang magsinungaling sa aming lahat. Humingi rin siya ng kapatawaran kay Mang Elyo sa kaniyang nagawa mabuti na lamang ay naintindihan rin ito ni Mang Elyo.
"B-bakit mo nga ba iyon nagawa... Victor?" tanong ni Lucia kay Victor na hanggang ngayon ay balisa padin. Magkakasama kami ngayon sa isang silid sa bahay ng mga Gonzales. Kanina lamang ay kinausap nila Don Arturo si Victor matapos ang paglilitis.
Nag-angat si Victor ng tingin sa amin bago bumuntong-hininga. "T-tinakot n-nila ako... Ang sabi sa akin ni Don Agustin ipalilibing niya ako ng b-buhay at idadamay nila ang pamilya ko k-kapag sinabi ko ang totoo" ngayon naiintindihan ko na.
Lumapit si Lucia sa kaniya upang pakalmahin siya. "Naiintindihan namin, Victor..." tumango lamang ako.
Alam kong napakahirap ng sitwasyon ni Victor ng mga oras na iyon kaya't wala siyang ibang mapagpipilian kundi iligtas ang kaniyang sarili at pamilya. Hindi ko siya masisisi na pinili niyang magsinungaling.
***
Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng maaksidente si Binibining Marina walang nakakaalam kung kailan niya ba muling ididilat ang kaniyang mga mata hanggang sa dumating ang araw na aking pinakahihintay, nakatanggap ako ng magandang balita mula kay Lucia. Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa pagamutan sa loob ng silid ni Binibining Marina dahil sa aking napag-alaman.
Habol ang aking paghinga ng buksan ko ang pinto na aming pagitan. Ang bilis ng pagkabog sa aking dibdib ay mas lalong nadagdagan ng makita ko siyang nakaupo sa kaniyang higaan.
Katabi niya si Lucia na humihikbi ngunit bakas ang tuwa sa mga mata habang pinagmamasdan si Binibining Marina. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko magawang maibuka ang aking bibig upang tawagin ang kaniyang pangalan.
Kitang-kita ko kung paano niya kusutin ang kaniyang mga mata at humikab na parang walang nangyari sa kaniya. Ilang sandali siyang nasa ganoong posisyon ng hindi ko inaasahang nabaling niya ang kaniyang paningin sa akin.
"L-Lorenzo?" mahinang usal niya bahagyang nakaawang ang labi. Hindi ko maiwasang mapangiti at magsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Kay tagal kong hinintay na muling marinig ang boses niya.
Sa isang iglap mabilis ko siyang nilapitan at ikinulong sa aking mga bisig. Sa pagdikit ng aming mga balat bigla akong nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ko. Napansin ko rin ang pagkabigla ni Binibining Marina sa biglaan kong pagyakap sa kaniya, nanlaki ang aking mga mata huli na ng mapagtanto ko ang na niyakap ko siya.
Nataranta ako. Dali-dali akong lumayo at ilang beses na napa-kurap. Ano ba ang iyong ginawa Lorenzo? Naisaloob ko sa aking sarili.
Hindi ko dapat ginawa iyon!
"P-paumanhin..." iyon na lamang ang aking nasabi bago ko napagdesisyunang umalis muna. Hindi ko alam kung paano ba ako aakto sa kaniyang harapan.
Bakit ngayon ka pa nagkaganito Lorenzo?--- kung kailan ayos na siya at kaharap mo na?
Napabuntong hininga na lamang ako saka sinapo ang aking noo.
Marina's POV
"Paumanhin---" napakurap kurap ako ng ilang beses, kita ko kung paano namula ang magkabilang tenga ni Lorenzo. Pinagmasdan ko kung paanong mabilis siyang naglakad palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...