Chapter 15: Tala-arawan
Sumasabay sa ingay ng tambol sa kabilang banda ay ang hiyawan ng mga kababaihan. Ang lahat ay nakatingala habang pinagmamasdan ang ginoong nakasuot ng pang-heneral na uniporme. Nang simulan niya ang malamyos na pag-awit, ipinatigil ng kung sino ang ingay sa paligid at ang lahat ay natuon ang pansin sa nag-iisang heneral na talagang nakabibighani.
Maghihintay ako kahit kailan~
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala...
Na ika'y hanapin at sabihin~
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang..."HENERAL!" paulit-ulit na maririnig sa mga taong humihiyaw na nasa plaza. Habang siya ay kumakanta at pumupuno ng magandang tinig sa aming pandinig. Nakamasid lang ako, hindi kalayuan sakanya nang biglaang may sumingit sa kinatatayuan ko.
Bahagya akong napaatras saka nangunot ang noo. Sa inis, humakbang ako papalapit sa mga babaeng nakabunggo sakin, binalak kong hablutin ang kanang kamay ng isa sa kanila pero natigilan ako nang halos himatayin silang nagtitili at nagtulak-tulakan pa.
Dahil sa lapit nila sa akin hindi ko na naiwasang marinig ang pinaguusapan nila. "Napaka gwapo talaga ni Heneral Matsuo, noh?" wika ng babaeng nakapa-gitna sa dalawa pa nitong mga alipores.
Nakatingala sila sa entablado habang palihim naman akong nakikinig sa usapan nila. "Sinabi mo pa! Sigurado akong kahit sino ay mapapa-ibig niya sa kakisigan niyang taglay" pagsang-ayon naman ng babaeng nasa kanang bahagi ng nasa gitna. Tanging tango na lamang ang naisasagot ng isa pang babae sa kaliwa.
Oh, umasa kang.... maghihintay ako kahit kailan~
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung hindi ka makita, makikiusap kay Bathala...
Na ika'y hanapin at sabihin~
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan....Napangiwi nalang ako hanggang sa napatingin ako sa gawi ni Akio. Eksakto namang napabaling rin siya sa akin saka ngumiti bago iusal ang huling kataga sa kanta.
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang...
Pagkatapos ng pagkanta ni Akio sa harapan binigyan siya ng isang parangal para raw sa angking tapang niya sa pagliligtas ng isang pamilya dito rin sa kanilang baryo na pinagtangkaang patayin. Pero hindi isiniwalat lahat ng impormasyon lalo na kung bakit nangyari ang trahedya na 'yon.
Nang makababa sa entablado si Akio, agad siyang sinalubong ng buong galak ng kanilang kapitan at si Padre Jacinto maging ang iilang dalagitang madre ay lumapit rin.
"Maligayang pagdating, Heneral... Mabuti at pinahintulutan mo ang aming paanyaya na makadalo ka rito sa pista ng ating bayan" ani ng Kapitan na galak na galak sa pagbati kay Akio.
Tumango naman si Akio sa pari tsaka ngumiti. "Opo kapitan, lubos ko nga pong ikinatutuwa na makadalo ngayon sa pistahan ng bayan. Maraming salamat po sa inyong paanyaya" magalang na sagot naman ni Akio.
"Walang anuman, Heneral.... O siya...siya... Nawa'y magustuhan mo ang pinaghandaan ng ating mga kababayan para sa iyo at sa pista ng ating bayan ngayong araw"
"Naku! Nag-abala pa po kayo, Kapitan... Hindi ko po inaasahang ganito kalaking piging ang aking madadatnan.... Subali't lubos ko pong ikinalulugod ang inyong pinaghandaan. Maraming salamat pong muli" sambit ni Akio.
"Wala ring anuman, Señor. Bueno, halika na kayo at maupo dito" sabi ng kapitan habang inaanyayahan si Akio na maupo sa upuang nasa harap kasama ang iba pang opisyal at matataas na taong dumalo rin sa pistahang bayan.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Fiction HistoriqueIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...