KABANATA 6

507 343 119
                                    

Chapter 6: Kasal

"May tao ba, riyan?" ani ng isang boses mula sa labas ng kwarto. Napamulagat naman ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat. Dali-dali kong itinulak ang baul papuntang muli sa ilalim ng kama.

Habol ang hiningang tumayo ako balak na sanang magtago sa kung saan ngunit napahinto ako nang biglang may magsalita.

"Binibining Marina?" naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang ma-bosesan ko ang nagsalita.

Sa lahat ba naman ba't ikaw pa makakahuli sakin?

Isang malaking kahihiyan ang dumaloy sa aking buong katawan dahil sa kaniyang presensya. Dahan-dahan akong humarap sa pinto kung saan naroroon siya at saka tipid na ngumiti.

"Ano ang 'yong ginagawa rito?" agarang tanong niya sa akin. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang seryoso lang ang mukha na parang nakikipag-usap sa hangin.

"M-may kinuha lang hehe..." napakamot nalang ako sa tagilirang ulo sabay ngiti ng tipid.

"Ano naman ang 'yong kinuha?" nagkasalubong na ang kaniyang makapal na kilay.

"My bag?" patanong kong sagot.

"Ano kamo iyon... Bag?" sumagot naman siya na parang nagtatanong rin. Napatango nalang ako sabay napalabi. Ilang sandali siyang natahimik na parang nagiisip. Hindi ko gets kung naintindihan niya ba yung sinabi ko kasi kung pagmamasdan para siyang naguguluhan.

"Tila kapanipanibago ang iyong winiwika Binibini. Ano ba ang 'yong nais ipabatid sa salitang iyong binanggit?" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!

Hindi ko tuloy naiwasang mapakamot sa ulo. Ano ba naman to! "Ang ibig sabihin ko lang naman doon is---" Teka ano nga ulit tagalog ng bag? Anubayan nakaka nosebleed naman tong kausap. Minostra ko nalang tuloy sa harapan niya kung paano magbitbit ng bag. Mabuti nalang na gets niya agad mukhang matalino naman pala siya sabagay medisina nga pala ang course niya.

Napatango-tango siya ng matanto ang gusto kong iparating. "Bayong ba ang iyong tinutukoy?" anito na seryosong-seryoso na nakatingin. Bayong? Eh diba basket yun? Mukha bang basket yung bag ko jusko! Agaran naman akong umiling ng umiling.

"Kung ganon... Ito ba'y supot?" napangiti nalang ako ng may sarkasmo. Muli akong umiling tsaka sinabing huwag niya ng alalahanin yung sinasabi ko tutal di rin naman kami nagkakaintindihan. Tsaka wala naman talaga kong hinahanap na bag sinabi ko lang yun para magdahilan.

Nagpaalam ako sa kaniya na hahanapin ko lang sandali yung bag na sinasabi ko kaya hinayaan niya muna ko sa loob. Lumabas siya ng kwarto saka sinarado ang pinto. Mabilis ko namang binalikan yung baul tsaka inayos ito. Pagkatapos nun ay tumayo na ako napangiti ako ng may matanaw hindi kalayuan sa kinaroroonan ko saktong may isang maliit na bag ang nakapatong sa cabinet. Yes ligtas!

Ilang sandali lang ay kumatok siya mula sa labas sign na nagtatanong siya kung pwede na bang pumasok. "Sure---i mean...Sige!"

Pagbukas ng pinto bumungad sakin si Lorenzo na may dalang kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Ewan ko ba kung talagang may kakaiba o masyado nakong ilusyonada e.

"Nasaan na ang 'yong hinahanap?" aniya saka itinagilid ang kaniyang ulo upang silipin kung hawak ko ba ang bag na kaniyang sinasabi. Nang hindi niya makita bahagya siyang lumapit sakin na ikinainit naman nang aking pisngi. Feeling ko lahat ng dugo ko nag-akyatan talaga sa mukha ko.

"Donde esta?" aniya ang kaniyang pananalita ay may slang sa aking pandinig may pilyo ring ngiti na namumutawi sa kaniyang labi.

"E-ewan k-ko?" patanong kong sagot habang bahagyang umaatras. Hindi ko naintindihan kung ano ba yung sinabi niya kaya nagtaka ko sa sarili ko kung bakit bigla ko nalang sinabi ang salitang 'Ewan ko'.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon