Chapter 9: Sikreto
Kakatawag ko palang sa kanya napaharap na siyang agad sa'kin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero siya rin ang nag-iwas ng tingin saka kinausap sila Martina.
Hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila gaya ko. Kung paanong nangyari ang sitwasyong ito sa aming tatlo... Kami lang ba ang bumalik sa nakaraan o mayroon pang iba na gaya namin?
Kung hindi lang ako tinawag ni Lucia hindi ko pa malalaman na umusad na pala papasok ng bahay ang aking mga kasama. "Binibinini" aniya nang hawakan ang aking pala-pulsuhan. Bigla naman akong napaatras nangunot ang noo niya sa biglaan kong reaksyon pero muli akong lumapit kay Lucia upang hindi na siya muli pang magtaka.
"Ano ba talagang nangyayari sa'yo, Binibini?" takang tanong niya. Hindi ko masasagot ang tanong mo Lucia dahil maging ako hindi maipaliwanag ang nangyayari sakin. Hindi na siya nag-abala pang dagdagan ang katanungan niya dahil ginawaran ko na lang siya nang tipid na ngiti na sa tingin ko'y naintindihan niya naman ang aking pakiwari.
Tumuloy na rin kaming dalawa ni Lucia sa pagpasok sa loob. Tama pala ang hinala ko pagkakita ko pa lang sa bahay na ito may kakaiba na talaga hindi lang sa bahay pati narin pala sa mga nakatira.
Habang lutang ang isip na sinusundan ang mga kaanak sa paglalakad, napag-isip-isip ko ang mga pangyayari noong nakaraang araw. Ang lahat ng nalaman ko mula sa mga taong nasa panahon na'to.
Una, nakilala ko si Mr. Suplado na si Lorenzo na may kabaitan din pala. Pangalawa, pamilya ko pala sa panahong ito ang mga taong kasama ko ngayon. At ang huli, nakita ko ang dalawang tao na nanggaling sa panahon ko nandito sila ngayon sa harapan ko... Totoong nakikita ko sila na hindi lang isang guni-guni o panaginip.
Dahil sa tingin palang ni Mr, Asuncion alam ko nang mayroon siyang ipinapahiwatig sakin na sa lalong madaling panahon kailangan ko nang malaman... kailangan ko na siyang makausap maging ang babaeng matanda na kasama niya.
"Magsi-upo muna kayo, Karina at ipagluluto ko kayo nang masarap na tinola" rinig kong sabi nang matandang babae habang inaakay sila Don Arturo paupo sa kawayang silya na nasa kanilang sala.
Nasa likuran kami nila Martina na patuloy paring naglalakad papuntang sala. Lahat sila ay masayang umupo sa bawat bakanteng upuan hindi naman ako mapakali sa lugar na pwe-pwestuhan ko.
Ang kanilang sala ay hindi malawakan ngunit kakasya naman ang lahat ng naririto sa bahay. Presintableng umupo sila Don Arturo at Doña Karina sa pang-dalawahang upuan, habang kaming lima nila Martina, Lucia, Ako at maging ang hindi ko kilalang kambal ay nasa iisang mahaba at matigas na silyang kahoy. Kumbaga magkakatabi kaming lima sa mahabang upuan.
Samantala, si Mr, Asuncion naman ay umupo sa umuugang silya na parang inuugoy ang nakaupo rito. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya kaya alam na alam ko ang lahat ng ginagawa niya pati ang ilang beses niyang pagkurap, pag-arko nang kaniyang kilay at maging ang pagsilay ng isang ngiti sa amin kasunuran niyon ay magiliw siyang nagsalita.
Na Ikinagulantang ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang salitang... APO!
"Maligayang pagbabalik mga apo" wika niya. Tinitigan niya kami isa-isa magmula sa kambal na lalaki, kay Martina at ako ang huli... Hindi gaya nang pagmasdan niya ang mga nauna... Naiiba ang pagtitig niya sakin... Huminto siya ng ilang sandali, tinitigan ako diretso sa aking mga mata at biglang ngumisi. Hindi ko masabi ang nais kung sabihin nanigas ang aking panga at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Ano'ng APO!?
"Maayos naman po kaming lahat, tay Dido" maligalig na saad ni Martina na sinundan naman nang kambal. "Kayo po?" sabay na tanong ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Исторические романыIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...