KABANATA 24

108 9 12
                                    

Chapter 24: Trahedya

Ano'ng sinasabi ni Akio na may alam siya sa nangyari sakin? Tsaka anong kinalaman niya nung araw na iyon?

Napakagat ako sa labi ko. Sa pagkakaalam ko walang tao sa paligid ko noon kundi ako lang at yung taong bumangga sakin. Napailing-iling ako sa naisip. Hindi pwedeng si Akio ang may gawa nun. Tsaka bakit niya ko haharapin at aamin kung siya mismo ang may kasalanan sa nangyari?

Binuklat ko ulit yung pinadala niyang sulat. Kasabay ng mabilis na pagsunod ng mga mata ko sa mga letra ng liham niya mas napapatunayan ko sa sarili ko na hindi siya ang taong nasa likod ng nangyari sakin.

Patawad kung hindi ko nagawang pigilan ang nangyari sa'yo kahit na may nalalaman ako noong mga oras na iyon.

Pagbasa ko sa nakatala. Hindi niya nagawang pigilan. Kaya hindi siya ang gumawa. Pero ibig sabihin malaki ang posibilidad na kilala niya kung sino yung taong sumagasa sakin.

Tinupi ko agad yung sulat bago ilagay sa bulsa ng saya ko. Kailangan ko siyang makausap. Siya lang ang nakikita kong paraan para masagot na lahat ng mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko.

Hindi na mahalaga kung anong kapahamakan ang tinutukoy nila Don Arturo sa labas ng hacienda. Mas mamamatay ako kakaisip dito kung mananatili lang ako at walang gagawin kundi hintayin kung may mangyayari ba'ng himala sa buhay ko. Wala na rin naman akong nakikitang dahilan para manatili pa dito. Mas malaya ako sa labas at mas makakakuha ako ng impormasyon kung totoo ba lahat ng hinala ko lalo na kay Mr. Asuncion.

Mabilis kong nilisan ang kwarto ko pagkatapos kong ikandado ang pinto niyon. Hindi nila ko pwedeng mahuli kung magkataon na wala ako sa kwarto ko. Hangga't maaari pwede nilang isipin na natutulog lang ako kung nakasara ang pinto. Pagkatapos nagplano ko kung paano makakatakas sa kanila. Alam kong hindi ito magiging madali dahil napakaraming gwardiya na nagkalat sa labas.

Isa pa hindi nila ako basta-basta palalabasin ng walang kasama. Kaya isang paraan nalang ang pwede kong gawin para walang makahuli sakin.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa maids quarter. Wala akong ibang choice kundi magpanggap na katulong. Sa bawat hakbang na ginagawa ko pinananatili kong walang makakapansin sakin.

Nanlaki ang mata ko at umakyat ang kaba sa dibdib ko ng maramdaman na may paparating. Nagtago muna ko sa sawali para hindi niya ko makita. May kaunting siwang mula sa pinagtaguan ko kaya kita ko kung sino yung pumasok sa kwarto.

Si Lucia.

Nakabukas ang pinto ng kwarto nila kaya nakikita ko ang ginagawa niya. Isinasa-lansan niya ang mga damit nila sa isang kabinet. Nakagat ko ang labi ko. Kailangan kong makuha 'yon.

Ilang sandali akong naghintay bago siya nayari sa ginagawa niya. Pagtapos niyon lumabas na siya ng kwarto nila at naglakad palayo kaya mabilis naman akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Sorry, Lucia... Hihiramin ko muna ang damit mo kailangan ko lang talagang makausap si Akio para malaman ko ang gusto kong malaman sa kaniya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Halos takbuhin ko na ang kabinet ni Lucia para hagilapin ang damit na pwede kong gamitin pero hindi ko parin kinakalimutan na huwag gumawa ng ingay.

Kinuha ko agad ang isang damit na sinusuot niya mula sa ibabaw ng iba pang mga damit. Halos pare-pareho lang naman ang sinusuot nilang uniporme kaya hindi ako mahihirapang magpanggap.

Inilagay ko yung damit na kinuha ko sa ibabaw ng higaan tsaka lumapit sa pinto upang isarado yun. Tapos hinubad ko agad ang damit ko saka sinuot yung uniporme ni Lucia.

Ang problema ko lang ngayon... Saan ko ilalagay itong damit ko?

Lumingon-lingon ako sa paligid kung saan ko ba pwedeng itago yung damit ko. Hindi nako pwedeng bumalik sa kwarto ko baka may makakita pa sakin tapos mabuking yung pagtakas ko. Hindi ko rin naman ito pwedeng iwan lang dito baka makita ni Lucia mas mapapahamak ako.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon