KABANATA 7

460 328 71
                                    

Chapter 7: Silid-aklatan

Pagmulat ko nang mga mata ko bumungad sa akin ang kwarto kung saan nagsimula ang lahat. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan saka bumangon mula sa pagkakahiga. Napatulala ako dahil sa malalim na pagiisip kung paano ba akong makakabalik sa kasalukuyan. Ano bang kailangan kong gawin?

Lumabas na ako ng kwarto saka bumaba nang hagdan. Gaya nang nakita ko ganito parin ang itsura ng bahay na kinalalagyan ko. Ang iilang bagay na na-preserba noong unang ko itong makita ay andito ngayon harapan ko.

Lahat ay bagong-bago sa aking paningin kahit ang mga taong nasa paligid ko kakaiba para sa akin. Nakatayo ako sa harap ng lamesa kung saan pinupunasan ito ng isang babaeng may edad na. Siya ata ang mayordoma ng bahay na'to. Napatingin siya sakin at ginawaran ako ng matamis na ngiti. Hindi ko siya mamukhaan o ni kilala man lang pero nginitian ko rin siya pabalik. Ewan ko ba pero ang weird lang sa feeling ng lahat. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito nga talaga ko ngayon sa past life.

Dumaan naman sa gilid ko ang isa pang babae na mukhang kasing idaran ko lang. Bahagya siyang yumuko sa harapan ko bilang pagbibigay galang.

Napansin ko naman agad yung suot nilang dalawa isang simpleng damit pero hindi ito masakit sa matang tingnan. Medyo maluwang naman yung palda nila pero may kahabaan. Wala silang suot na tsinelas pero mukhang hindi yun hadlang sa kanilang pagtatrabaho sa buong bahay.

Lumapit ang babaeng yon sa tabi ng matandang babae na nagpupunas parin ng lamesa parang may ibinulong ito sa kanya. Parang hindi naman bulong yun kasi rinig na rinig ko naman lumapit lang siya dun kay miss mayordoma para ata mas marinig yung sasabihin niya.

"Narinig ko po kila Don Antonio at Don Arturo kanina na may mahalagang pagpupulong daw po silang paguusapan sa loob ng silid-aklatan, Ina." sabi nung babae. Pasimple pa ito na parang wala namang nakaririnig sa kanilang usapan.

Bigla namang nag-angat ng tingin ang mayordoma sa akin at nagaalinlangang ngumiti. Sinuway niya ang kaniyang anak dahil sa patuloy na pag-ku-kwento nito.

"P-pasensya na ho, Señorita Marina. Huwag niyo na lamang ho pansin ang pinagsasabi ng aking anak" pagpapaumanhin nito saka yumuko rin dali-daling hinatak ang kaniyang anak papalayo sakin.

Hindi na'ko nakatango man lang dahil tuluyan na silang naka-alis. Ano raw ang sabi niya? S-señorita?

Boss kaya ako sa panahong ito? Kasi parang amo ang turing nila sakin base palang sa pagbibigay galang nila.

Isinantabi ko nalang ang isiping iyon, balak ko sanang hanapin si Lorenzo kung saan man sila nagpunta ni Martina. Ang pagkakatanda ko sa silid-aklatan daw ang punta nila pero saang parte naman nang bahay na ito yung library na yon? Ang laki-laki nito baka abutin pa ako ng santo-santo bago mahanap yung kuwartong yon.

Kaya naman nung may napadaan na isa pang kasambahay napagdesisyunan ko nang magtanong. Palagpas na sana siya sa akin pero hinawakan ko agad ang kaniyang braso para mapigilan siya.

"Saan yung library?" bungad kong tanong habang hawak ang kaniyang kanang braso.

Noong una para pa siyang nabigla at natatarantang napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Pero nag-angat rin siya nang tingin sa akin saka nangunot naman ang kaniyang noo at hindi malaman kung ano ang kaniyang isasagot.

"A-ano po ang library, Senorita?" aniyang natutuliro.

Doon ko lang napagtanto na hindi nga pala sila nakakaintindi ng english language.

"Ahm... Silid-aklatan" pagtatama ko at bahagyang ngumiti. Tipid rin siyang ngumiti pero para siyang takang-taka sa akin. Pero itinuro rin naman niya yung daan papunta doon.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon