KABANATA 2

1K 415 382
                                    

Chapter 2: Baul

Isang kakaibang katahimikan ang bumungad samin pagpasok sa bakuran ng makalumang bahay. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kawalan ng ilang sandali dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Pati yung kaninang mga estudyanteng kasama namin na nagiingay nag-sitahimik pagpasok namin.

Hunted house ba'to? Tsaka bakit dito ang trip ni Mr. Asuncion? History field trip ba talaga ang gagawin namin o Paranormal activity?

Kung pagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Tingin ko, kabahayan pa ito noong panahon ng Espanyol. I think more than 100 years narin siguro 'to. Ewan lang... I'm not sure. Pero sigurado akong napakatanda na nito.

Trip lang talaga naming sumama ni Tania una dahil malaki daw ang points na maidadagdag sa grade sabi ni Sir tsaka pangalawa sumama kasi yung crush ng shunga kaya 'yon! Pinilit niya narin akong isama. Wala nakong nagawa kaya pumayag narin ako tutal kakatamad sa bahay panay lang akong tambay sa loob.

Bigla akong natauhan ng mayroong humawak sa magkabilang balikat ko. "Hoy!, Ba't tulala ka na diyan?!" ani Tania bakas ang kuryosidad sa mukha niya.

"Wala may naisip lang" sagot ko habang patuloy na pinagmamasdan ang mala-haciendang kinalulugaran namin ngayon.

"Ay! Sino yan? Share mo naman!" sabi pa niya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Sino agad? Hindi ba pwedeng ano ha?"

"Tsk! Nakoooo" aniya ng pailing-iling.

"Wala ka na dun" nakangising sambit ko habang umiiwas sa daliri niyang patuloy parin sa pagsundot. Ewan ko ba sa lukaret na'to may naisip lang ako saglet kung anu-ano na pumapasok sa kukote. Ilang beses ko pang sinangga ang kamay niya hanggang sa bigla nalang nagsalita si Mr. Asuncion kaya natigil kaming dalawa.

"Bahala ka nga diyan!" naglakad nako pasabay sa mga estudyanteng pa-akyat na sa hagdan. "Wait lang naman---" aniya sumunod din naman agad sakin saka idinikit ng todo ang sarili niya.

"Makasiksik wagas?" singhal ko sa kanya kunwari nag gagalit-galitan. "Sorry naman" aniya saka umayos na ng paglalakad. Hindi ko na siya pinansin  nag-focus nalang ako sa pag libot ng paningin sa kabuuan ng bahay.

Pagbukas palang ng malaking pintong kahoy sa harapan namin namangha agad ako sa nakita ko. Feeling ko tuloy parang napadpad ako sa ibang panahon. Lahat ng kagamitan puro makaluma walang naligaw na kahit isang modernong bagay o gamit. Mula sa chandelier na mukhang makinang parin kahit luma na pati rin yung sahig nila na parang walang bakas nang dumi dahil sa sobrang kintab nito halos pwede na ngang gawing salamin e! Napaka maaliwalas ring tingnan ang buong bahay.

May mga furnitures na sobrang pulido at maayos ang pagkakagawa kahit malayo pa lang alam ko nang napaka linis at kintab ng mga ito. Maging ang mga paintings at pictures na naka-sabit sa bawat dingding na madaanan ng mga mata ay hindi makakaligtas.

"Uy Bes... Nakakakilabot naman jusko!Tingnan mo yun oh!" ani Tania sabay turo sa balcony ng isang kwarto. "Oh? Ano namang meron dun?" tanong ko habang tinatanaw ang tinuturo niya. "Huh?... Di ka ba nakikinig?" takang balik tanong niya sakin sabay nangunot ang noo at pinag-krus ang kaniyang mga braso saka ipinatanong sa kaniyang dibdib.

"Saan?"

"Ay naku! Napaghahalataan ka! Diba kakasabi palang ni Sir... Yung balcony daw na yun is may history sa pagkawala ng isang babae before" aniya halos hindi naman maipinta yung mukha niya hindi ko alam kung natatakot ba siya about dun sa sinabi niya or what.

"Nakikinig kaya ko noh! Tahimik lang ako dito pero nakikinig ako" palusot ko nalang sabay lakad palayo.

"Hoy teka---" hindi ko na siya nilingon pa pero alam kong hindi magpapaawat to. Susunod at susunod parin kahit anong mangyari. Kaya ano pa nga bang magagawa ko? Edi hinintay ko nalang siya till kumuda nanaman ang lukaret paglapit sakin.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon