Chapters 20: Patibong
Nagmulat ako kasabay ng pag-inda sa ulo ko na patuloy paring kumikirot sa sobrang sakit. Nanlalabo rin ang paningin ko tanging dilim lamang sa buong paligid ang nakikita ko na parang blangko ang lahat. Napakadilim... Napakatahimik... Kahit kaluskos ay wala akong naririnig.
Dahan-dahan akong tumayo pilit na inaabot ang anumang mahawakan sa paligid ngunit nabigo ako. Sumasalubong lamang ang malamig na hangin sa aking balat pakiramdam ko para akong nasa kawalan.
Nagising lang ang diwa ko ng may maramdamang kung ano sa likuran ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko kasabay ng pagtaas ng balahibo sa aking buong katawan. Hindi ko magawang lumingon dala ng takot na namumuo sa akin.
Pero kahit kinakabahan sinubukan ko paring magsalita. "S-sino ka?"
Hinintay kong sumagot siya pero wala akong narinig mula sa kaniya. Sa isang iglap bigla na lang siyang humawak sa balikat ko kaya napaigtad ako. Napapikit ako saka humarap sa kaniya. Habang nakapikit hindi ko maiwasang ibuka ng kaunti ang talukap ng aking mata.
Bahagyang naaninag ko ang taong nasa harapan ko. Isang babaeng nakayuko, nakasuot siya ng bistidang puti at walang sapin sa paa. Muli akong pumikit pilit kinukumbinsi ang sarili na huwag na ulit tumingin sa babaeng iyon subalit pinangungunahan ako ng kuryosidad bagamat natatakot mas pinili ko paring dumilat kaya sa pagdilat ko ay di ko inaasahan ang tatambad sa akin.
"S-sonia---" nanlalaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang malaking itim na balat sa kaniyang mukha na sumasakop sa buong kaliwang pisngi niya. Napatakip ako sa aking bibig saka umatras papalayo sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon!
"Bakit mo kailangang pakialaman ang buhay ko?" mariing aniya nakikipaglaban sa mga titig ko sa kaniya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tila napipi ang labi ko wala akong anumang salitang masabi sa kaniya.
"Bakit mo kailangang magpanggap na ako?
¡POR QUÈ! ¡RESPUESTA!" Napapikit ako ng isigaw niya yon."H-hindi ko sinasadya--- kailangan ko lang gawin y-yun para makabalik ako sa hinaharap" nakatakip ang dalawang kamay ko sa aking tenga ayoko ng makarinig ng anuman sa kaniya. At pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ang tuhod ko.
"Wala kang kwenta!" naglakad siya papalapit kaya napaatras ako sa pagmamadaling makalayo natisod ako sa sarili kong paa saka bumagsak sa sahig.
Kitang-kita ko kung paano maglisik ang mata niya sakin. "Hanggang ngayon hindi mo parin napagtatanto. Realmente no cuentas!"
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"¡TONTO! Hindi mo ba nararamdaman na nasa loob rin ng katawan mo ko? Alam ko lahat ng ginawa mo kitang-kita ko Marina!" Napaawang ang bibig ko paanong nangyari yon. Pabaling-baling ang ulo ko hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.
"H-hindi ba nasa kasalukuyan k-ka? Anong sinasabi mo S-sonia?"
"Masyado kang nagpaniwala sa matandang iyon. Hindi mo ginamit ang isip mo Marina. Dahil sa ginawa mo mas lalo ka lang napahamak"
"Ano ba'ng ibig mong sabihin!"
"Ang matandang padre na yon ang may kagagawan ng lahat! Masyado kang nabulag sa lahat ng sinabi niya. May mga araw na pinipilit kong palitan ka para gamitin ang katawan mo para ayusin ang lahat subalit hindi ko magawa"
"S-si Mr Asuncion?" tango lang ang isinagot niya. Seryoso paring nakatitig sa akin hindi mawala-wala ang galit sa mga mata niya.
"Matagal nakong patay... Marina. Nagpakamatay ako sa balkonahe ng hacienda matapos akong gahasain ng walang hiyang padre na iyon. Hindi ko na nakayanan lahat ng ginagawa niya sakin kaya kinitil ko na lamang ang sarili kong buhay"
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...