Chapter 10: Pamilya Gonzales
Third person's POV
~FLASHBACK~
Isang binibining nagngangalang Sonia ang isinilang ni Doña Karina noong ika-siyam ng Oktubre 1921 sa mismong kanilang tahanan. Gabi noon at kasalukuyang matinding bagyo ang kanilang tinatamasa. Hirap na hirap ang pamilya Gonzales dahil sa sitwasyong iyon, wala silang mahingan nang tulong dahil narin sa bagyong nagaganap. Tanging sila-sila rin ang gumawa nang paraan upang maipanganak ni Doña Karina ng maayos si Sonia.
Sa awa ng Diyos Ama, naisilang ng mapayapa ang bunsong anak ng mag-asawang Gonzales. Magmula ng maipanganak si Sonia naging maligaya ang pamumuhay nila. Ang dating tag-hirap sa buhay ay naging masagana. Ang dating trabahador lamang na si Don Arturo ay naging Kapitan ng kanilang baryo at ito ang Escolta.
Naging isang magaling na pinuno si Don Arturo na tinangkilik ng mga mamamayan. Ilang taon siyang namuno ngunit hindi siya tinatalikuran. Dahil sa patuloy niyang paglilingkod sa bayan, nagkaroon sila ng mga ari-arian at nagpatayo ang kanilang pamilya ng iba't-ibang gusali na makakatulong sa kanilang baryo. Nang dahil doon mas nakuha niya ang interes ng sambayanan.
Subalit sa isang kwento hindi nawawala ang lumbay at mga pagsubok sa buhay. Ang akala nilang puro swerte nalang ang matatamasa nila ngunit isang malaking trahedya ang nakaabang sa kanilang buhay na hindi maiiwasang suungin.
Trahedyang naganap nang hindi nalalaman ni Don Arturo. Nagkaroon pala ng kaapid ang kaniyang kabiyak na tumagal rin nang ilang taon ang pagsasama ng mga ito. Nagkaroon sila ng dalawang supling at ito na nga ang kambal na sila Marcelo at Mariano. Ang kanilang ama ay si Gregorio Del Pilar na isang mangingisda noon. Namatay siya hindi dahil sa kung anong sakit ang nasa kanya kundi namatay siya dahil pinatay siya ni Don Arturo nang malaman nito na kalaguyo pala ni Doña Karina si Gregorio na matalik na kaibigan ni Don Arturo.
Hindi pa pala naipapanganak ang panganay nang mag-asawang Gonzales may anak na pala sa ibang lalaki si Doña Karina. Noong una sana ay kasamang ipapapatay ni Don Arturo ang kambal ngunit nagmakaawa si Doña Karina na hayaan na lamang itong mabuhay kasama siya at ang kapalit ay habambuhay siyang nasa tabi ng asawa at paglilingkuran ito sa abot ng kaniyang makakaya.
May malawak na kaisipan at malambot na puso naman si Don Arturo kaya pumayag na siyang mabuhay ang kambal ngunit isang kasunduan ang hiniling niya sa asawa at ito ang...
"Bubuhayin ko ang anak niyo ng taksil na si Gregorio at hahayaan kong mamuhay sila sa mundong ito ngunit ipaalam mo sa mga anak mo na sa kanilang paglaki... ako ang kikilalanin nilang tunay na ama at wala nang iba pa. Isang malaking kahihiyan at kasiraan sa lahat ng taong makakaalam kung hindi ko kadugo ang mga iyan!" napatango nalamang si Doña Karina dahil wala na siyang naiisip na ibang paraan upang mabuhay ng malaya ang kaniyang kambal sa piling niya.
Hindi pa naipapanganak si Martina noong dalhin ng mag-asawang Gonzales ang kambal sa kanilang hacienda kaya't walang kaalam-alam si Martina na hindi niya palang tunay na kapatid ang kambal at gayundin si Sonia ng maisilang ito. Tanging ang mag-asawang Gonzales at Asuncion na ama't ina ni Arturo ang nakakaalam ng sikretong iyon.
Pilipinas 1931
Makalipas ang sampung taon ng makilala ni Martina si Lorenzo na anak ni Don Antonio na taga-Esperanza sa kabilang ibayo ng baryo. Nagpunta ang pamilya Ponce sa kanilang hacienda dahil pagdiriwang ng muling pag-kapanalo ni Don Arturo sa botohan. Naging matalik na magkaibigan ang pamilya Ponce at Gonzales lalong higit sila Don Arturo at Don Antonio.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...