Chapter 3: Na-Fall
Third person's POV
Hindi alam ni Marina kung bakit ganoon nalang ang naramdaman niya ng makita ang laman ng chest. Tila nawala rin siya sa kaniyang sarili wala siyang ideya kung bakit ganoon nalang ang pagnanais niyang makapasok sa kwartong iyon at buksan ang natagpuang chest. Natauhan nalang siya ng pagmasdan ang kinaroroonan niya ngayon.
Dali-dali siyang tumayo at inayos ang sarili. Nilibot niya ang paningin sa paligid doon niya napagtantong ginulo niya pala ang halos kabuuan ng kwarto. Gusot-gusot ang sapin ng kama. Nagkalat pa ang mga damit niyang kinalkal. Pati narin ang bawat parte ng kwartong pinag hanapan niya ng susi. Dali-dali siyang lumapit sa kama upang ayusin ang na gusot na sapin.
Maya-maya lamang nakarinig siya ng mga boses parang papalapit ito sa kwarto kung saan nandoon siya.
Napako ang paningin ni Rina sa pinto. Kinbahan siya na tila hinahabol ng kabayo ang kaniyang puso sa bilis ng tibok nito.
Hindi kaya papunta na rito ang mga kaklase niya? Hindi siya pwedeng makita! Lalo na ng history teacher nila... Kundi ay malilintikan talaga siya.
Dali-daling tumayo si Marina at maingat na lumapit sa pinto. Nakiramdam siya. Naririnig niya parin ang mga boses na mas lalong palapit ng palapit kung nasaan siya.
Maya-maya lamang ay natahimik na kaya naka hinga siya ng maluwag. Pero ang inakalang ligtas na----hindi pa pala!
Narinig nanaman niya ang mga yabag at boses ng karamihan, mukhang papalapit ng papalapit sa kwartong kinaroroonan niya.
Pakiramdam niya malapit na siyang himatayin sa nerbiyos. Noon niya narinig ang tunog ng kandado. Doon niya napag-isip-isip na na-lockan ata siya ng kung sino dahil parang binubuksan na ang kandado ng kwarto kung nasaan siya.
Unti-unting kinakalikot ng nasa labas ang kandado hanggang sa tuluyang na-unlock ang lock.
May iilang sandali pa siya para magtago subalit hindi naman niya alam kung saan. Nilibot niya ang paningin sa paligid ng buong kwarto kung sa kurtina siya magtatago. Mahahalata kaagad siya dahil maiksi lang ito at kung saka-sakali makikita ang mga paa niya. Kung sa cabinet naman, hindi siya kasya roon dahil masikip ito at tiyak na maliit na bata lang ang tanging kakasya roon.
Nagmamadali naman siyang lumapit sa kama at sinilip ang ilalim nito. Napailing-iling nalang siya sa pagkadismaya dahil walang space para sakanya ang naroroon. Tanging ang chest lamang ang kakasya sa ilalim.
Narinig niyang lumalangitngit na ang doorknob, hindi na niya talaga malaman kung saan ba magtatago hanggang sa-------huling option nalang ang tanging pag-asa niya-------
Napatingin siya sa nakabukas na pinto ng terrace ng kwarto.
"Utang na loob! Hindi ako si Darna!"
Tanging pagtalon nalang ang option niya kaya naman kaagad siyang nag-isip ng paraan.
Luminga-linga ulit siya sa kaniyang paligid doon namataan niya ang puting kumot na sapin ng kama. Nagmamadali niya itong kinuha bago pa siya maabutan.
Hinanap niya ang dulo ng kumot habang naglalakad papunta sa teresa ng kwarto. Paglapit niya sa balkonahe ilang beses niyang ibinuhol ang dulo niyon sa pasimano ng terrace at saka inihagis ang kabilang dulo sa ibaba.
Hindi na niya ininda ang gagawin niya basta ba ang tanging nasa isip lamang niya ay makapagtago mula sa mga taong papasok. Mabuti na lamang ay nasa tagong bahagi ang makalumang bahay kaya't walang taong nagdaraan o nananatili ng matagal sa labas bahay.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Historical FictionIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...