CHAPTER 12: Dormitoryong Paaralan
Lumipas ang ilang oras matapos magkamustahan sila Lorenzo at Akio. Hindi ko inakalang magkakilala pala sila at ang matindi pa dun, Mag kaibigan pala silang dalawa. Ikinuwento nila sa akin ang iilang detalye ng pagkakaibigan nila nung pumasok kami sa bahay.
Noong limang taong gulang palang daw si Lorenzo, nakilala niya si Akio na may lahing Hapon. Ang tatay ni Akio ang siyang hapon at ang nanay naman nito ang Filipina. Isang bayarang babae ang ina ni Akio na siyang naging dahilan upang maangkin siya ng ama ni Akio na noo'y laging nasa bahay aliwan. Magmula ng magkakilala ang mga magulang ni Akio, nahulog ang loob nila sa isa't-isa at nabiyayaan ng isang sanggol na lalaki at ito na nga si Akio. Lumaki naman ng maayos si Akio sa piling ng kaniyang ina, subalit iniwan pala sila ni Mitsuki (Akio's Father) dahil sa hindi malamang kadahilanan.
Si Amelia (Akio's Mother) at Doña Laura (Lorenzo's Mother) ay matalik na magkaibigan. Magmula nang magkakilala sila Akio at Lorenzo, naging magkaibigan rin sila gaya ng kanilang mga ina. Pero noong dumating na sa ika- sampung taong gulang si Akio nagbalik ang kaniyang Ama at kinuha siya pero hindi isinama si Amelia. Nagkahiwalay sila Lorenzo at Akio ng halos isang dekada bago muling nagkaroon ng tyansang magkita. Doon sa Japan namuhay si Akio kasama ang kaniyang Ama na isa palang Heneral roon at kalaunan ay namayapa dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nabaril ito at namatay ngunit si Akio ang nagpatuloy nang nasimulan ng ama. Hindi pa siya ganap na sundalo pero malakas ang kaniyang paninindigan na darating ang araw na magiging isang magaling siyang pinuno ng kanilang hukbong sandatahan.
At ito ngayon ang araw na muli silang nagkita nang hindi inaasahan. Hindi ko alam kung paanong nagkadugtong-dugtong sa isip ko ang lahat ng nalalaman ko pero hindi pa ito sapat para humusga sa taong hindi ko pa lubos na kilala.
"Ito na pala ang Doragonfurūtsu, Binibinini" inabot sa akin ni Akio ang isang hindi kalakihang basket na mayroong lamang Dragon fruits. Nanlaki ang mata ko at napa awang ang labi nang may mapagtanto.
"K-kumuha ka talaga?" hindi makapaniwalang asik ko sa kaniya, tipid naman siyang ngumiti at dahan-dahang tumango. Napalabi nalang ako saka nagpasalamat.
Natanaw ko naman agad si Lucia na papalapit sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. Ibinigay ko naman agad sa kaniya ang basket, umalis na siya at dumiretso sa kusina.
Nasa silid-tanggapan kami ngayon kung saan naririto sina Akio, Lorenzo, Martina, Marcelo, Mariano at ako. As usual magkatabi nanaman kami ni Martina at naka-upo sa silya habang sila Marcelo at Mariano ay nakatayo lamang sa gilid namin ni Martina, sina Lorenzo at Akio naman ay kaharap namin. Kanina pa nila ikinuwento sa akin ang iilang detalye sa pagkatao ni Akio pero parang ayaw parin mag sink-in sa utak ko ang lahat. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng sinabi nila o may halong kasinungalingan ang mga ito.
"Sino iyang kasama mo Lorenzo?" banggit ni Marcelo habang itinuturo si Akio. Bigla namang napangiti si Lorenzo bago umusal. "Siya si Akio... Marcelo, Matalik kong kaibigan na nagmula sa angkan ng mga Quizon"
Napatango nalang si Marcelo. "Ngunit hindi siya pamilyar sa akin" pahabol pa nito habang naglalakad na papalapit sa kinaroroonan ni Akio. "Sa aking pagkakaalam karamihan sa mga angkang Quizon..." wika ni Marcelo tsaka dahan-dahan siyang umikot sa silyang inuupuan ni Akio habang ang hintuturong daliri ay malapit sa kaniyang labi. Parang lubusang nag-iisip. "Kalimitang kababaihan ay... Mga bayara---" nakita ko namang kumuyom ang magkabilang kamay ni Akio at bigla na lamang tumayo saka sumigaw.
"SORE WA SHINJITSUDE WANAI!" (HINDI TOTOO 'YAN!) umalulong sa buong bahay ang biglaang pagsigaw na iyon ni Akio. Nataranta naman ang lahat at hindi malaman ang gagawin. Ang sunod ko na lamang narinig ay ang mga boses nila nay Martha at tay Dido na papalapit sa amin. Nakatayo na ko ngayon at hindi ko maialis ang tingin kay Akio na nakayuko lang at nakakuyom parin ang mga kamay. Pinapahinahon naman siya ni Lorenzo at mabilisang nag-abot ng isang basong tubig si Mariano kay Akio.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Fiksi SejarahIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...