KABANATA 19

197 21 7
                                    

Chapter 19: Liham

Wala akong ibang magawa kundi makiusap at mag pumilit na mali ang akusa nila sa'kin pero kahit anong gawin ko hindi sila nakikinig. Parang sarado lahat ng tainga nila hindi man lang magawang pakinggan ang sinasabi ko. Bakit ba nila ako inaaresto? Ganoon na lang ba kadaling isisi sa'kin ang nangyari porke't ako ang kasama ni Alfredo noong mga oras na yon? Hindi ba nila pwedeng imbestigahan muna ang nangyari? Bakit ganito--- hindi ko maintindihan! Bakit kailangang umabot ako sa ganitong sitwasyon.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking pasilyo pagkakita ko pa lang doon biglang nanlambot ang mga tuhod ko alam ko na kung saan nila ko dadalhin.

"Pakawalan niyo nako! Makinig naman kayo sa'kin kahit isang beses lang ipapaliwanag ko ang mga nangyari. Wala talaga akong kasalanan aksidente yon---"

Habang naglalakad kami papasok sa lugar na yon. Mas lalo ko lang nararamdamang walang maniniwala sakin.

Tumingin ako sa gilid ko hinahanap ang mga mata ni Mauricia pero kahit siya hindi niya ring magawang tumingin ng diretso sa'kin. Pilit niyang binabaling sa ibang direksyon ang mga mata niya. Pa'no mo nagagawa sa'kin 'to Mauricia? Alam mong wala akong kasalanan pero ikaw mismo ang nagdala sakin dito na parang wala kang pakielam sa kung anong mangyayari sakin? Bakit ano bang nagawa ko sayo bakit mo ginagawa sa'kin 'to.

Hindi ko masabi sa kaniya lahat ng iyon kahit gustong-gusto ko ng ipamukha sa kaniya kung gano kasakit traydorin ng isang gaya niya.

Wala naman akong ibang ginawa kundi makisama sa kaniya pero sa huli ganito lang pala ang matatanggap ko. Hindi ko naman piniling masaktan yung taong mahal niya at kahit kailan hindi ko gugustuhing may masaktan na kahit na sino pero wala silang ibang alam kung hindi isisi sa'kin ang nangyari na parang wala akong karapatang tumanggi sa pinaparatang nila sakin.

Napapapikit nalang ako sa isiping wala akong ibang maaasahan ngayon kundi ang sarili ko. Mas lalo lang silang hindi maniniwala kung ipipilit ko ang gusto ko dahil hindi rin naman nila naiintindihan yung nararamdaman ko ngayon.

Pinilit ko nalang na manahimik at sumunod sa kagustuhan nila. Alam kong lalabas din ang katotohanan sa huli na wala akong ginawang masama kay Alfredo.

Hindi makaligtas ang mga matang nakamasid samin--- sa'kin. Kahit saan ako tumingin nakatingin sila kaya yumuko nalang ako saka pinaalalahanan ang sarili na makakayanan ko 'to.

Anuman ang mangyari sakin... Kakayanin ko...

Pagpasok namin sa loob agad na bumungad sa harapan namin isang pulisya. Naglakad siya papalapit saka pasimple akong tinuro sa kasama naming isa pang pulis.

Narinig ko pang binanggit nila ang pangalan ko bago sila tuluyang lumayo samin.

Pinaupo ako ng lalaking nasa likuran ko sa bangkong kahoy bago niya ko iwanan. Lumingon naman ako sa kinaroroonan ni Mauricia doon naabutan ko siyang nagmamasid sa labas na parang may hinahanap. Mukha wala na talaga siyang pakialam sa'kin. Mas gugustuhin niya pang mabilanggo ako kahit hindi ako ang gumawa.

Natauhan ako ng tawagin ako ng lalaking nasa likuran ko. Seryoso lang siyang nakatingin sakin sabay taas ng isang kilay.

"Ano'ng nangyari?" agaran niyang tanong habang nagsusulat.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa pagkabigla. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nakapagsalita. Sinabi ko lahat-lahat ng gusto kong sabihin kanina sa mga umaresto sakin. Ipinaliwanag ko ang nangyari kung bakit nandoon ako sa pinangyarihan at kung paanong napunta sa'kin ang patalim na naging sanhi ng pagkawala ni Ginoong Alfredo.

Parang tumatak na sa isip ko ang nangyari noong mga oras na yun na tila bumagal ang oras habang pinagmamasdan kong hinahabol ni Alfredo ang paghinga niya kasabay ng pag-agos ng napakaraming dugo mula sa saksak na natamo niya.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon