Note: This story is subject to editing. Any comments and feed backs are highly appreciated and can be considered for future revision.— Contains typograpical & grammatical errors. (nang/ng, rin/din, verb tenses and proper tags) I will edit the whole story once I submit it to the publisher. Thank you!
Simula:
"YOU should normalize cheating, Amaris. We should accept it! Lalaki lang ako intindihin mo naman 'yon, magalit ka kapag iniwan kita para sa ibang babae, hindi naman kita iniiwan ah." My boyfriend for five months desperately explained while holding my elbow.
I laughed and shook my head.
Nakakadiri 'to, bakit ko ba 'to nagustuhan? Unti-unti nagiging panget na siya sa paningin ko dahil sa mga lumabas sa bibig niya.
"Gago ka ba?" Hindi ko maiwasan matawa dahil sa sinabi niya, nababaliw na talaga siya.
Gagong normalize, iyan na ba ang dahilan ngayon para pagtakpan ang pagkakamali, upang ilaban ang mali?
"Amaris naman, ikaw naman kasi..." Sinubukan niya akong hawakan ulit pero umatras na ako.
"Mark, huwag mo sa akin isisi ang kati ng bayag mo, huwag mong idahilan na ayaw ko kaya ka naghanap ng iba. Alam mo, pinagsisisihan ko na ipinagtatanggol pa kita sa mga kaibigan ko noon, tama sila, napaka laki mong gago," buong puot na wika ko.
I didn't wait for him to tell more lies, more bullshit. I stepped out of his small apartment. I heard him calling my name with a curse; I didn't mind looking back.
That's it! I'm done with it. I don't deserve that kind of boy.
Nahuli ko siyang may kasamang babae sa apartment niya, noong una ay itinanggi niya at sinabing kasamahan niya sa trabaho na bestfriend lang niya, putang inang bestfriend... nakapatong at naglalaplapan? Wow.
Humugot ako nang malalim na buntonghininga saka mabilis na umalis sa lugar na 'yon.
Hindi ko maiwasan maiyak habang nag-aabang ng jeep pauwi, nag-effort pa akong pumunta, sayang ang limang buwan ko sa gagong 'yon, halos kalahating taon niya akong niligawan tapos magloloko pala. May pa-flowers at letters pa. Lahat nga naman ay gagawin para makapangloko.
Sana lang hindi mangyari sa magiging anak niyang babae ang ginagawa niya sa mga babae niya, sana hindi maramdaman ng anak niya 'yong sakit na ginagawa niya.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang makita ang paparating na jeep, mabilis akong sumakay. Mabuti na lang at may sasakyan pa kahit gabi na.
Doon ko napansin na dalawa lang kaming sakay bukod sa driver, isang matandang babae ang nasa aking katapat.
Parehas kaming nasa dulo, napanguso ako dahil sobrang layo ng driver para makapagbayad ako. Kung ipaabot ko na lang kaya sa matanda ang bayad?
Kaso nakakahiya, ang layo rin niya.
"Akin na, Ineng." Nagulat ako nang magsalita siya.
"Po?" Nagpalinga-linga pa ako dahil baka iba ang kausap niya o baka may kausap sa earphone pero wala naman.
"Yong bayad mo, iaabot ko."
Kumunot ang aking noo, nasabi ko ba nang malakas 'yong kanina?
Kahit naguguluhan ay inabot ko sa kanya ang bente pesos, hindi ko alam kung imahenasyon ko lang o talagang bahagya niyang pinisil ang palad ko.
Ilang minuto kaming tahimik, inabala ko ang sarili ko sa hawak na cellphone. Mabilis kong binago ang relationship status ko, binura ang mga long sweet post at photos namin sa featured album ko.
Walang pag-aalinlangan.
Pumara ang matanda, nang daanan niya ako ay bahagya niyang tinapik ang tuhod ko.
Gulat akong napatingin sa kanya.
"Mag-iingat ka, Ineng. Malapit na siyang dumating. Malapit ka na niyang makita at kapag nangyari iyon, wala kang magagawa kung hindi gawin ang itinakda."
Napapantastikuhang sinundan ko siya ng tingin nang tuluyan siyang makababa, napakurapkurap pa ako nang gumilid siya at dumaan sa isang puno, hinintay ko siyang lumabas sa kabila pero parang naglaho na siya roon.
Nakurap-kurap ako. Ano 'yon? Baliw ba 'yon?
Napailing ako saka natawa nang mahina, ang gulo na talaga ng earth, kung ano-ano nang nangyayari.
My eyes widened when the jeep made a loud screeching noise. I saw a lights from the back.
Halos tumilapon ako papunta sa harapan nang banggain kami mula sa likod ng isang van na itim.
Napahiyaw ako dahil tatama kami sa malaking puno, bigla kong naalala sila Mama, parang naging slow motion ang paligid nang bungguin ulit kami ng van na nawalan ata ng preno.
Mariin akong pumikit at hinihintay na lang na tumama ang katawan ko kung saan.
"Please... help me, please." I whispered.
Bago pa tumama ang sinasakyan namin sa puno ay may malamig na bagay na bumalot sa aking katawan.
Narinig ko ang malakas na pagsalpok ng jeep kung saan pero wala akong naramdaman sakit.Mas humigpit ang yakap sa akin ng kung sino, pakiramdam ko ay nanghina ako bigla.
"I'm here... mate. I found you."
_________________________
SaviorKitty
BINABASA MO ANG
Devil's Mate
General FictionThe devil was once an angel. _______________________________ Genre: General Fiction Started: March 19, 2021 Finished: March 19, 2021