Kabanata 17

79.6K 4.7K 1.5K
                                    


Kabanata 17:

             ILANG gabi ang lumipas at walang Samael na nagpakita, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matuwa dahil wala na siya o malungkot.

Dapat ay matuwa ako, pero sa loob ko ay parang hinahanap ko siya.

Nababaliw na talaga ako.

Napatakbo ako sa banyo nang sumuka ulit ako, pangalawa na ngayon umaga.  Hinilot ko ang aking sentido habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Buntis ka?"

Gulat akong napatingin sa nagsalita, natigilan ako nang makita si Ruth na nakatayo sa aking kwarto at nakatanaw sa akin sa banyo, mabilis akong nagmumog at lumabas.

"H-Hindi..." I shook my head, I'm not sure.

"K-Kailan ang last period mo?"

Napatitig ako sa maliit na kalindaryo sa aking kwarto. Nanghihina akong napaupo sa aking kama. "Late ako ng... dalawang linggo."

Nasapo ko ang aking ulo, hindi 'to maaari.

Kinain kaagad ako nang kaba, nilapitan ako ni Ruth. "S-Sino ang ama?"

Umiling ako, tuluyan nang tumulo ang luha. Si Samael, siya lang ang lalaking nakasama ko.

Lumuhod si Ruth sa harapan ko, bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha. Bumukas ang kanyang bibig pero naitikom din niya kaagad.

Sandali kaming natigilan bago siya ulit magsalita.

"Hindi si Papa ang ama? Hindi ba? Sabihin mong hindi siya," maingat na tanong niya.

Gulat akong napatingin sa kanya, saan niya nakuha ang bagay na iyan.

"Anong sinasabi mo, Ruth?!" Hindi ko maiwasan magtaas ng boses, siguro madumi akong babae kasi nagpagalaw ako sa hindi ko kilala at nagpadala sa tukso pero hinding-hindi ko papatulan ang asawa ng Mama ko, hindi ako gano'n.

Nagbaba nang tingin si Ruth sa aking singsing, sunod-sunod ang kanyang naging hikbi.

Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay.

"I-Ilang beses kong nakita si Papa, na pabalik-balik sa k-kwarto mo Amaris. M-Minsan isang gabi... nasa labas ako makikipagkita sana ako sa kasintahan ko p-pero nakita ko si Papa na umaakyat sa bintana mo... nakita ko siya. K-Kaya nagagalit ako sayo noon, iniisip kong inaakit mo si Papa, gumaganti ka kay Mama mo, ito ba ang ganti mo?" Lumakas ang hagulgol niya.

Napatulala ako sa sinabi niya at pilit pino-proseso ang sinabi niya.

Si Tito Rey, umaakyat sa bintana ng kwarto ko?

Kinilabutan ako bigla, tumigil ang luha ko sa sobrang kaba na aking nararamdaman.

Hindi ko maiwasan mapaisip, paano kung si Samael at Tito Rey ay iisa? Paano kung dinu-drugs ako ni Tito Rey? Paano kung...

Nasapo ko ang aking mukha gamit ang dalawang palad, niyakap ako ni Ruth.

"Sabihin natin kay Mama," sabi ni Ruth, desidido ang mukha niya.

Mabilis akong tumango, sasabihin ko talaga.

"H-Hindi ka ba natatakot, k-kapag sinumbong natin si Tito Rey... Tatay mo siya... Hindi ba dapat siya ang kampihan mo?" Nagdadalawang-isip na sabi ko, natatakot din ako baka pinaglalaruan lang ako ni Ruth.

Marahas na umiling si Ruth, pinakita niya sa akin ang pulso niya na natatabingan ng mga bracelet niya.

Napasinghap ako nang makita ang mga hiwa roon.

"P-Pagod na ako, noon ako ang biktima niya. Ayokong may mabiktima siya ulit..."

________________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon