Kabanata 19

78.1K 4.6K 555
                                    


Kabanata 19:

        "BUNTIS nga ako," mahinang sabi ko habang nakatingin sa ultrasound ng baby ko.

Kakatapos lang ng check up ko at nakauwi na kami sa bahay, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang totoo ay hindi ako natatakot para sa akin, kung hindi para sa baby. Lalaki ba siya nang normal?

"Sino ang ama nyan?" mahinang tanong ni Mama.

Wala si Ruth, bumili siya ng pagkain namin para sa gabihan at ilang vitamins ko para sa pangpakapit ng bata.

Napayuko ako.

"S-Samael..."

Nilingon ako ni Mama, seryoso ang mukha. "Samael ano? Hindi ba't Mark ang nobyo mo?"

Umiling ako.

"Hiwalay na po kami ni M-Mark, Ma."

"Nasaan na 'yong Samael na 'yan? Alam niya bang buntis ka? Tinawagan mo na ba siya? Kaya natin buhayin ang bata, maghahanap akong trabaho at si Ruth para ikaw naman ang makapagpahinga pero... pero mas malaking tulong kung magbibigay ng sustento ang lalaking iyan," buong awtoridad sabi ni Mama, parang ngayon ko lang siya narinig na ganito ka-seryoso.

Unti-unti na naman nangilid ang luha ko, alam kong disappointed siya. Bata pa ako, hindi kasal at walang maiharap na lalaki sa kanya.

"H-Hindi ko alam, Ma."

Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap, hinawakan niya ang braso ko. "H-Hindi ka naman pinagsamantalahan ng lalaking iyan? Hindi ka pinilit?" Nakita ko ang galit sa mukha niya, natigilan ako dahil iniisip ko ang sinabi niya.

"Sabihin mo kay Mama, huwag kang matakot. Pinilit ka ba, anak? Ipapakulong natin ang hayop na 'yan!" Napataas ang boses niya sa huli ay mas nauna na siyang umiyak sa akin. "K-Kasalanan ko 'to, dapat ikaw na lang pinagtutuunan ko ng pansin, dapat nakuntento na ako na tayo lang."

"M-Ma, wala ka pong kasalanan. K-Kasalanan ko po ito. Aakuin ko po..."

Tinitigan ako ni Mama. "Itutuloy mo ang pagbubuntis mo?" tanong niya, para bang binibigyan niya ako ng pamimilian at handa siyang suportahan ako kung ano man ang desisyon ko.

Mabilis akong tumango, kahit walang ama. Kahit walang lalaki ay kaya ko 'to, kakayanin ko 'to.

"I'll keep my baby, Ma. Itutuloy ko po, hanggat kaya ko pa magtrabaho, papasok pa rin ako hindi naman mabigat ang trabaho ko hanggang makaipon," pursigidong sabi ko.

Parang may humaplos sa puso ko nang tipid na ngumiti si Mama at hinimas ang ulo ko.

"Dalaga na talaga ang anak ko," manghang sabi niya na parabg ngayon niya lang naisip ang bagay na 'yon.

Matagal na simula noong nakapag-usap kami ng ganito ni Mama, para kasing nalayo siya noong nag-asawa siya ng bago, parang binuhos niya ang atensyon kay Tito Rey kaya masaya ako na kahit papaano ay unti-unting bumabalik si Mama sa akin, sa pamilyang ito.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang pumasok si Ruth.

Kumunot ang noo ko dahil ang dami niyang dala, isang libo lang ang pinadala ko sa kanya pero tatlong box at may mga paper bag pa siyang dala na binuhat ng tricycle driver bago umalis.

"Ang dami ata nyan, Ruth," puna ko.

Sinipat ko ang mga pinamili niya, groceries at iba pa.

Napakamot siya sa batok. "Hehe, ano kasi... nakapulot ako ng isang libo pa, teka lagay ko lang 'tong mga isda sa ref."

Nagmamadali siyang pumasok sa kusina.

Bago tuluyan makapunta sa kusina ay lumingon siya sa amin, bakas ang kahiyaan sa dating masungit na mukha.

"A-Ah, ano... ibebenta ko na rin siguro ’yong mga album at iba ko pang collection para makatulong panggastos habang naghahanap pa rin ako trabaho," mahinang sabi niya bago mabilis tumalikod, nagkatinginan kami ni Mama.

_____________________

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon